San Pedro City

Salamat sa Diyos sa wakas natupad

San Pedro Laguna ay city nang ganap;

Ah ito ay utang sa t’yaga at sikap

nitong mag-asawang sa baya’y lumingap!

 

Mag-asawang ito’y si Calex at Baby

sa tungkuling mayor sila’y naghalili;

Bumaba sa poder itong si lalaki

pumalit sa kanya’y itong binibini!

 

Nitong nakaraang  buwan ng Pebrero

San Pedro’y ganap nang nagbagong estado;

Ito ay city na at tutulong ang tao

lahat magsisikap tuloy ang progreso!

 

Sa tulong ng bise at mga konsehal

tiyak na ang lunsod magiging huwaran;

Dukha at maykaya ay magdadamayan

tungo sa pag-unlad nitong buong bayan!

 

At ngayong city na ang bayang San Pedro

magiging payapa itong bayang ito;

Ang mga proyektong tungo sa asenso

pamamahalaan ng bagong gobyerno!

 

Mga mambabasa’y di dapat magtaka

kung bakit alam ko San Pedro’ng historya;

Si Misis at ako apat na anak pa

ay tatlumpong taong doo’y nakatira!

 

Kaya ang San Pedro’y di ko malilimot

kasaysayan nito sa puso ko’y tusok;

At saka sa amin mabait ang Diyos –

kahi’t wala roon ang diwa ko’y abot!

 

Show comments