^

PSN Opinyon

Pagdiriwang at babala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang natuwa sa naganap na pirmahan sa pagitan ng MILF at gobyerno, para isulong na ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) ang opisyal na dokumento para sa nasabing kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. Matapos ang ilang dekadang rebelyon, kung saan libo-libo ang namatay at nagsilbing balakid sa kaunlaran ng rehiyon, tunay na may liwanag na sa kadiliman. Marami sa Mindanao ang hindi pa nakararanas ng kapayapaan, ng katahimikan at kaunlaran. Magbabago na lahat iyan. Hindi na kailangang mamuhay sa takot, sa pangamba. Hindi na tatalon ang puso sa pagdinig ng mga putok ng baril. Makakatulog na ng mahimbing.

Pero aminado naman ang MILF at gobyerno, pati na ang punong ministro ng Malaysia na si Najib Razak, na ito na ang mahirap na bahagi ng kasunduan, ang pagpapatupad ng lahat ng pinag-usapan itong mga nakaraang buwan. Iba ang usapan sa katahimikan ng isang silid, iba ang katuparan sa lansangan. Hindi dapat mag-alinlangan ang magkabilang panig para sa katuparan ng tunay na kapayapaan. Ang sakripisyo ng lahat – mga namatay sa digmaan, pati na ang mga naghirap dahil sa patuloy na labanan – ay hindi dapat masayang. Panalo ang lahat, ika nga, kung tunay na mararating ang kapayapaan, kasunod ang kaunlaran.

Babala na rin na may mga grupo na ang layunin ay madiskaril ang buong proseso. Mga nabigyan ng pagkakataong pagandahin ang rehiyon, pero ang pinaganda lamang ay ang kani-kanilang mga buhay. Ito ang mga dapat bantayan ngayon, ng gobyerno, pati na ng Bangsamoro. Hindi dapat payagan silang manggulo sa mga kasalukuyang tagumpay.

Katulad ng NDF. Sa isang mapayapang pagtitipon ng mga Muslim sa Mendiola para ipagdiwang ang makasaysayang lagdaan, dumating ang mga militanteng NDF. Ayun, nagkagulo, nakatikim ang mga militante ng mga hindi sila tatantanan. Sinisisi naman ngayon ng NDF ang mga Muslim, pati na ang mga pulis sa naganap na gulo. Siguro kailangan matauhan muna sila, na ang kanilang rebolusyon ay patay na. Kailangan na rin nilang magkaroon ng pangitain ng kapayapaan. Kung hindi, handa ang bansa, pati na rin ng Bangsamoro, na harapin sila, at sugpuin!  

ANG COMPREHENSIVE AGREEMENT

AYUN

BABALA

BANGSAMORO

KAILANGAN

MINDANAO

NAJIB RAZAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with