Ano ang nagpatibok sa puso ni Rizal?
MARAMING makabuluhang aspeto sa buhay ni Jose Rizal kaysa lang kung ilang babae ang kanyang pinaluha sa loob ng 35 taon. Mababatid ito ng sinumang babasa sa bagong librong “Rizal’s True Love,†ni Gemma Cruz Araneta. Pero kung nais malaman kung ano, para kay Rizal, ang mga katangian ng busilak na babae, naroon din.
Ang “Rizal’s True Love†ay koleksiyon ng mga sanaysay na sinulat sa pananaw ng babae. Kaya akma itong nilabas nitong buwan ng Marso, Women’s Month, pansin ni Dr. Ferdinand Llanes, chairman ng National Historical Commission.
Tama lang na pinagtuunan ni Gemma ang mga pinapasadahan lang ng mga klase sa Kasaysayan sa eskuwelahan. Halimbawa, ang mga layunin ng La Liga Filipina o ng model comunity na itinatag ni Rizal sa Dapitan, at ang pananaw niya sa noo’y sumisibol na krisis agraryo. Ilan lang ‘yan sa mga tinukoy ni Gemma na pinagtibukan ng puso ng Pambansang Bayani, na ninuno niya sa dugo. Kapansin-pansin ang paglalahad kay Rizal hindi bilang soloistang makabansa kundi taga-himok at tagapag-sanib, para sa anomang ikasusulong ng Inang Bayan.
Lumaki si Gemma na naririnig ang mga kuwento tungkol sa mga makabansang ninuno, at mga kaniig at kaganapan sa panahon nila. Naiintindihan niya ang kanilang mga pasakit at tagumpay, kaya naikukuwento rin ang kanilang naging mga gawi at desisyon. Sinadya ni Gemma na ibahagi ang pagkakaintindi at paghanga na ito, upang pukawin ang interes ng mga guro at mag-aaral.
Mabibili ang libro sa Popular Bookstore (Quezon City), Solidaridad (Padre Faura Street, Manila), at Fully Booked (Bonifacio High Street, Global City). Maaring tawagan: (02) 819-1945.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest