MAY mga bagay na nangyayari na hindi inaasahan. Hindi kontrolado ng isang indibidwal, kumpanya o anumang bansa.
Lahat, nagkakatalo na lang sa paghahanda at pagtugon sa isang krisis o problema.
Tumaas ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho ayon sa Philippine Statistic Authority.
Sentro ngayon ng sisi ng pamahalaan ang mga nagdaang bagyo at kalamidad nitong mga huling buwan ng 2013.
Dumarating ang krisis sa isang bansa. Sa mga panahong ito, makikita sa mga namumuno sa gobyerno kung sino ang kumikilos, nagpapakumbaba, humihingi ng paumanhin at kung sino ang dada lang nang dada.
Sa halip na gumawa, para bang “entitled†pa sila na unawain at intindihin ng taumbayan.
Nasa sistema na ang ugaling, sa bawat problema, laging mayroong palusot, dahilan at katwiran mapagÂtakpan lang ang kanilang kahinaan at kapalpakan.
Kamakailan, sumulat kay President Benigno Aquino ang isang dating high school student mula sa Tacloban. Tinanong niya kung bakit sila “pinabayaan†at bakit kilos-pagong ang pagresponde ng pamahalaan sa lalawigan.
Bagamat humingi ng paumanhin ang presidente, malinaw na puro dahilan pa rin ang laman ng kaniyang paliwanag.
Iniisip tuloy ng taumbayan kung humihingi ba ng simpatya at pang-unawa ang pamahalaan.
Makakamtan ninyo ang awa ni Juan Dela Cruz depende sa sensiridad ng nagsasalita na nakikita at nararamdaman ng mga mamamayan.