^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi hadlang ang kahirapan

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang taon, isang anak ng magtutuba (coconut wine) ang topnotcher sa Philippine Military Academy (PMA) “Pudang-Kalis” Class 2013. Si Cadet First Class Jestony Armand Lanaja ng Davao del Sur ay panganay sa tatlong magkakapatid. Sabi ni Lanaja, Wala silang sari-ling lupa kaya ang pagtutuba ang naging trabaho ng kanyang ama. Ayon pa kay Lanaja, dahil sa kahirapan, nakatapos lang ng high school ang kanyang kapatid. Pero hindi raw naging hadlang ang kahirapan para hindi siya magsikap at nakatapos ng pag-aaral.

Ngayong taon na ito, isa namang anak ng magsasaka ang topnotcher sa PMA “Siklab Diwa” Class 2014. Si Cadet First Class Jheorge Llona, 22, ng Daraga, Albay ay anak ng isang magkokopra. Ikaanim siya sa pitong magkakapatid. Ayon kay Llona, ang kanyang nakamit na karangalan ay iniaalay niya sa kanyang mga magulang na gumabay at nagbigay sa kanya ng inspirasyon. Sinabi ni Llona na ang kapiranggot nilang lupa sa Maopi, Daraga, Albay ang tangi nilang pinagkukunan ng ikinabubuhay. Sa kabila ng kahirapan, hindi siya sumuko at na-ngarap na makatapos sa PMA at maging sundalo o piloto. Ang kahirapan ang dahilan para lalo siyang magsikap sa pag-aaral. At hindi siya nabigo sapagkat sa Linggo ay tatanggap siya nang maraming karangalan. Kabilang dito ang Presidential Saber na ibibigay ni President Noynoy Aquino.

Hindi hadlang ang kahirapan sa mga taong nais makatapos ng pag-aaral. Pinatunayan nina Lanaja at Llona na ang sinumang may maigting at marubdob na pagsisikap ay makakamit ang kanyang ninanais sa buhay. Ang lahat nang may pangarap kapag pinagsikapan itong maabot ay hindi mabibigo. Marami pang katulad nina Lanaja at Llona na nagsisikap sa pag-aaral kahit isang kahig, isang tuka ang pamumuhay. Ang mga taong ito ang dapat hangaan. Nararapat namang suportahan ng gobyerno ang mga kabataang masipag at matalino subalit walang maitustos sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ang dapat tulungan sapagkat tiyak na maghahatid ng tulong at karangalan sa bayan. Sila ang makakatulong sa pag-unlad.

ALBAY

AYON

DARAGA

LANAJA

LLONA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL SABER

SI CADET FIRST CLASS JESTONY ARMAND LANAJA

SI CADET FIRST CLASS JHEORGE LLONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with