Saluduhan si Sr. Supt.Romulo Sapitula

MATINDI talaga si Senior Supt. Romulo Sapitula, officer-in-charge ng Laguna Provincial Police Office. Dahil sa kanyang anti-criminal campaign, napanatili niya ang kaayusan sa Laguna. Akala ko sa Maynila at Las Pinas City lamang maigting ang kanyang kampanya sa mga criminal, pati pala sa Laguna, patuloy ang kanyang kasipagan.

Halos lahat ng anti-criminality campaign ni Sapitula sa Maynila at Las Piñas City ay naikokober ko kaya alam ko ang kanyang mga accomplishment. Saludo ako sa tapang niya.  Alam n’yo ba mga suki, noong siya pa ang Station 3 chief, siya ang tanging nakatuklas sa bangkay na inihuhulog sa ilog ng mga hinihinalang drugs syndi­cate sa tinaguriang “Little Vietnam” sa Gunao/Arligue, Quiapo noong 2006. Walang humpay ang anti-criminal campaign operation niya noon. Kaya pag-upo ni Mayor Lim, ipina-demolished ang squatters sa gilid ng ilog matapos matuklasang pinamumugaran ng mga kriminal at drugs syndicate. Ang masakit, muli na naman itong nagbalikan matapos makaligtaan at balewalain ni Mayor Erap Estrada. Hehehe!

Nang maging hepe ng Las Piñas City police si Sapitula, napanatili niya ang kaayusan at katahimikan dahil din sa walang humpay niyang anti-criminality operation sa Barangay T.S.Cruz, CAA at Pulang Lupa. Naidokumentaryo pa nga ng France Television ang kaayusan sa Las Piñas na labis na ikinatuwa ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar. 

Ngayong nasa lalawigan na siya ni Gov. Jeorge E.R. Ejercito Estregan, lalong nadagdagan ang kasipagan ni Sapitula. Noong nakaraang linggo, nadakip nina Sapitula si Daniel Celestino y Laserna, suspek sa pag­patay kay Dexter Condez, Community Organizer at Spokeperson ng Ati community ng Boracay Island, Kalibo, Aklan, sa Bgy. Palasan, Sta Cruz, Laguna. Base sa impormas­yon, si Celestino ay nagtago sa Bgy. Palasan matapos mapatay si Condez  noong Peb. 22, 2013. Umigting ang paghahanap ng Kalibo police nang mainis si DILG Sec. Mar Roxas sa kabagalan ng aksyon sa kaso. Kaya nang makatunog si Sapitula na nagtatago sa kanyang nasasakupan si Celestino, pinakalat ang kanyang mga tauhan at noong March 3, 2014, nahuli ang suspect. No bail recommended ang kaso na inisyu ni Judge Domingo Casiple Jr. ng Branch 17, RTC, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan.

Abangan!

Show comments