Negosyante, napilitang kumandidato dahil kinikikilan ng 2 kongresista
ALAM n’yo bang napilitang kumandidato ang isang neÂgosyante dahil kinikikilan ng dalawang kongresista?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Neil Ocampo ng DZRH, Cong. Rodito Albano ng Isabela, Mayor Benedict Calderon ng Roxas, Isabela, Mayor Charlton Uy ng Cabatuan, Isabela, Morly Alinio, Dra. Helen Buduan, Bea Estioco at Bro. Peter Balinang.
Alam n’yo bang napilitang kumandidatong kongresista ang isang negosyante dahil kinikikilan ng dalawang congressmen. Ayon sa aking bubwit, si Mr. Businessman ay tinakot tungkol sa kanyang negosyo. Dahil low profile ang negosyante at ayaw ng kontrobersiya, nakipagpulong siya kay congressman.
Sa kanilang pag-uusap, lumitaw na ang motibo pala ni Congressman ay makahingi ng pera. Para hindi na ipatawag sa Kongreso, si Mr. Businessman ay napilitang sumuka ng milyon. Ayaw nang banggitin ni Businessman kung magkano ang ibinigay niya sa kongresista. Makalipas ang ilang buwan, isang congresswoman naman na kasama sa House Commitee ni Congressman ang kumuwestiyon na naman sa negosyo ni Businessman. Dahil sa tipong blackmail na modus ng dalawang congressmen, napilitan uli na magbigay ng ilang milyon si Businessman.
Ayon sa aking bubwit, dahil sa ginagawang pangingikil ng dalawang congressmen, napilitan si Businessman na kumandidatong kongresista at nanalo. Nang maging congressman siya, tumigil na ang dalawang congressmen sa pangha-harass sa kanyang business. Ang congresswoman na nangikil ng milyones ay nag-sorry sa kanya. Eto ang matindi, noong nakalipas na eleksiyon, kumandidato uli ang dalawang congressmen at parehong natalo, na-karma, he-he-he.
Ayon sa aking bubwit, ang businessman na napilitang kumandidato para hindi na makikilan ay si Cong. B. as in Businessman ng Visayas. At ang partners in crime na kinarma noong eleksiyon ay sina Cong. J. as in Jesus Maria Josef at si Congwoman M. as in Magandang babae.
- Latest