SA loob nang maraming taon, naging dependent na ang Pilipinas sa mga importasyon partikular ng bigas. Kabi-kabila ang pagpupuslit ng mga kontrabando. NamamaÂyagpag ang mga smuggler habang ang mga magsasaka, unti-unting nawawalan ng gana.
Matagal nang nananawagan sa pamahalaan partikular sa Bureau of Customs ang mga stakeholder sa sektor ng agrikultura na sa bawat importasyon, ilabas ang inward-foreign manifest. Ito ‘yung mga dokumento, impormasyon at detalye hinggil sa mga kargamento na manggagaling sa country of origin.
Sa pamamagitan ng inward foreign manifest, natutukoy na ang mga “parating†at nalalaman agad ang ipapataw na buwis. Sakali mang makakasakit sa mga lokal na magsasaka ang mga import product tulad halimbawa ng bigas, hindi na ito papapasukin.
Agad itong ipapabalik sa country of origin sa pamamagitan din ng inward foreign manifest. Sa madaling sabi, para matigil ang smuggling activity, dapat ilantad sa publiko ang nasabing “manipesto.†Ang problema, ilang administrasyon na ang lumipas, hanggang ngayon, itinatago pa rin ng Customs ang inward foreign manifest.
Sila sila lang sa loob ng ahensya ang nakaaalam. Hindi inilalabas dahil takot na malaman ang kanilang “trade secret.†Takot mabuko na niloloko nila ang mga maliliit na magsasaka dahil kumikita sila sa pakikipagkutsabahan sa mga dupang na smuggler.
Isinusulong ngayon ni Commissioner John Phillip Sevilla ang paglilinis sa kanyang ahensya.
Dalawang bagay ang dapat niyang gawin at ipatupad: Una, sa lahat ng mga transaksyon, dapat direktang bigyan ng BOC ng kopya ng inward foreign manifest ang Department of Agriculture, Bureau of Internal Revenue at mga stakeholder ng mga apektadong industriya. Pangalawa, magtalaga ng online account kung saan makikita ni Juan Dela Cruz at ng mgafarmer ang bawat ‘import’ na pumapasok sa bansa.
Kung hindi mo ito kayang gawin Commissioner Sevilla, kasapakat ka nila!