^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanggang kailan siya papasanin ng taumbayan?

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, tsinek-ap at sumailalim sa iba’t ibang laboratory tests at ultrasound si Janet Lim Napoles, tinaguriang “reyna ng pork barrel scam”. Isinagawa ang pagtsek-ap sa Camp Crame, Quezon City. Unang hiniling ni Napoles na sa St. Lukes siya magpa-check-up dahil meron umanong nakitang ovarian cyst pero hindi siya pinayagan ng Makati City Regional Trial Court. Sa halip, sa Crame siya tsinek-ap. Ayon sa isinagawang pagsusuri kay Napoles, hindi umano life threatening ang kalagayan ni Napoles. Makaraan ang tsek-ap ay muli siyang biniyahe pabalik ng Fort Santo Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Eto ang nakalulula, ang nagastos kay Napoles sa kanyang pagbiyahe mula Fort Sto. Domingo patungong Crame ay tumataginting na P120,000. Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang gastos ay para sa gasolina ng mga sasakyang nag-transport kay Napoles patungong Crame at pabalik sa kanyang kinakukulungan. Kasama rin sa gastos ang para sa seguridad ni Napoles. Ayon pa sa PNP, nang unang humarap sa hearing sa Senado si Napoles noong nakaraang taon, gumastos din sila ng P120,000. Ayon pa sa PNP, buwan-buwan ay gumagastos sila ng P150,000 para ma-secure ang kalagayan ni Napoles. Kailangan umano nilang pag-ingatan si Napoles dahil may nagbabanta sa buhay nito. Noong Setyembre 2013 pa nakakulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo. Tinatayang P10 bilyon ang naibulsa ni Napoles sa pamamagitan ng kanyang pekeng NGOs. Tatlong     senador at mahigit 20 mambabatas ang kinasuhan dahil sa paglalagay ng pondo sa NGOs ni Napoles.

Kahapon, may lumabas pang balita na ang ginamit na ultrasound kay Napoles ay nirentahan umano ng PNP sa halagang P130,000.

Hanggang kailan papasanin ng taumbayan ang tinaguriang “reyna ng pork barrel scam” na umano’y nakakulimbat ng P10-bilyon sa kaban ng bayan? Nga­yo’y ginagastusan pa siya ng daanlibong piso ng gobyerno. Napakasuwerte naman ng taong ito na nahaharap na sa kaso ng pandarambong ay ginagastusan pa ng taumbayan. Tama marahil ang payo na dapat ilipat sa regular na kulungan si Napoles. Natigang na ang kaban kaya nararapat itigil ang kahibangan sa pag-secure sa kanya. Mayroong higit na nangangailangan ng pagkalinga kaysa kanya.

 

AYON

CAMP CRAME

CRAME

DOMINGO

FORT SANTO DOMINGO

FORT STO

JANET LIM NAPOLES

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with