Paalaala sa atin ngayon na kailanman ay hindi nakalilimot ang Diyos sa bawat sandali ng ating buhay. Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, ang Panginoon ay nasa atin tuwina. Ayon kay David “Ang tanging tagapagligtas ay ang Diyos kong kalasag.†Sa Kanya lamang tayo umasa sapagkat ang tanging kaligtasan ay nagbubuhat sa Panginoon. Lagi tayong magtiwala sa Diyos at ilagak sa Kanya ang ating mga problema. Siya ang lulunas! Tayo ay katiwala ng Diyos. Maging tapat sa Kanya at tatanggap tayo ng biyayang ipagkakaloob Niya.
Sinasabi sa atin ni Hesus na walang makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Napakasakit at kahabag-habag ang nagaganap sa kanya. Ang paala-alang ito ni Hesus ay nagaganap na sa ating kapaligiran. At ang pinaka-masakit ay hindi natin matanggap ang katotohanan sa aral ng Panginoon. Ang dalawang pag-ibig ay kailanman ay hindi puwedeng pagsamahin ng isang tao. Ito man ay paglilingkod sa Diyos at sa pamilya, salapi at materyal na bagay, maging sa init ng laman. Ang dalawang pagkukunwari ay walang matatamong pagpapala mula sa Panginoong maylikha ng lahat ng bagay. Hindi puwedeng pagsamahin ang pag-ibig ng laman sa ipinakilala niyang tiya at pamangkin. Inibig siya ng dalawa dahil sa salapi lamang at pinaka-masakit ay salapi ng kanyang gawaing kabanalan. Yumaman siya at lumigaya. Dumating ang panahon na pawang kaguluhan ang naganap sa kanyang buhay. Ngayon siya’y nag-iisa na lamang. Naubos na ang kayamanang ipinagkatiwala sa kanya ng Maykapal. Nagsisi siya at kinaawaan ng Panginooon.
Hindi tayo makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. Huwag tayong mabagabag sa lahat ng bagay. Masdan natin ang mga ibon sa himpapawid, sila’y pinakakain ng Panginoon. Huwag tayong magpakabalisa. Ang lahat ng nababalisa sa maraming bagay ay walang pananalig sa Diyos. Sapat na sa bawat araw ang ating mga suliranin. Pagsikat ng araw sa umaga, laganap ang biyaya ng Diyos!
Isaias 49:14-15; Salmo 61; 1Corinthian 4:1-5 at Mateo 6:24-34
* * *
Happy birthday kina Fr. Dionisio B. Obordo, Jr. at Marlyn Jael