Ang flat tax ni Belgica
MAY sentido ang 10 percent flat tax na adbokasiya ni Greco Belgica, ex-councilor ng Maynila na tumakbo rin noong senatorial elections bagamat hindi pinalad magwagiÂ.
May pahayag siyang ipinarating na gusto kong taÂlakayin. Sabi niya, natutuwa siya sa pahayag ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang EDSA Day speech na: “Pag-ibig ang diwa ng EDSAâ€.
Sa 10 percent flat tax wala nang ibang buwis na babayaran ang mamamayan. Wala nang EVAT, amelyar at kung ano-ano pang ibang buwis na lubhang pabigat sa taumbayan.
Patungkol sa EDSA speech ni P-Noy, sinabi ni Belgica “Tama po. Pag-ibig sa bayan, sa Diyos at sa kapwa ay dapat nating alalahanin na diwa ng Edsa Revolution at buhayin sa damdamin ng bawat pilipino, pamilya, kabataan at pamahalaang sibilâ€.
Pero ang tanong ni Belgica ay “Nasaan ang pagibig kung kalahati ng ating kinikita ay sapilitang kinukuha ng gobyerno sa buwis (32% income tax, 12% evat, RPT, interest tax, and other requirements). Yung lupang binili mo na babayaran mo pa sa gobyerno taon-taon sa amilyar at kapag di nabayaran, kukunin nila sa’yo at ibibenta sa iba. Eh s’ayo nga yon, pinaghirapan at binili. Ang dami-daming lupa ng gobyerno ang tao wala.
Sa dinami-dami nga naman ng binabayarang buwis ng mga mamamayan, wala tayong masyadong progresong nakikita na pinatindi pa ng maraming kaso ng pagnanakaw sa pamahalaan. Ang pera ng bayan ay nagiging pork barrel na nadudugas lamang ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng grupo ni Belgica na nagdedeklarang illegal ang DAP na kilala bilang pork barrel pero ani Belgica, naghahari pa rin ang kawalang katarungan. Aniya “ipagtatangol pa at hindi babaguhin ang pang-aabuso sa kapangyarihan at pag-wawaldas ng pera ng taong bayanâ€.
Sa kabila ng naunang pangako ng Commission on Audit (COA) sinabi ni Belgica na hanggang ngayon hindi pa ini-issue ang mga Notices of DisÂallowance na pinaÂngako na ilalabas laban sa mga PDAF tainted officials upang utusan silang ibalik ang mga ninakaw at winaldas na pera ng taong bayang pinag-katiwala sa kanila.
Sa kabila nito, sinabi ni Belgica na dumadalangin ang kanyang grupo para sa tagumpay ng administrasyong Aquino. Dapat naman talagang ipanalangin natin ang pamahalaan para ibuhos ng Diyos ang karunungan sa PaÂngulo at sa mga katulong niya sa pamamahala ng gobyerno kung ang hangad nating lahat ay righteous governanceÂ.
- Latest