^

PSN Opinyon

Sistema sa sasakyan napapanahong ayusin na

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALALAGIM ang aksidente ng bus kamakailan. Dala­wampu’t dalawa ang namatay nang lumundag mula sa elevated highway ng South Luzon Expressway, Metro Manila, ang Don Mariano bus. Labing-apat naman ang patay sa paghulog ng Florida Transit bus sa bangin sa Bontoc.

Sa una, mali ang balita na kalbo ang gulong at sira ang preno ng bus; sa totoo, kumakaskas sa ulan ang driver (na namatay). Sa ikalawa, palusot ng driver na kesyo nawalan ng preno ang bus at mabuhangin ang daan; pero kuma-kaskas siya pababa sa kurbada ng highway.

 Ano’ng ginawa ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board? Pinatigil lahat ng biyahe ng 240 buses ng Don Mariano sa Metro Manila, at 188 buses ng Florida sa Ilocos at Cagayan regions. Kinapos ang buses sa rutang Quezon City-Muntinlupa, at Manila-Tuguegarao-Laoag. Nahuli ang pasaheros sa trabaho, klase, at business meetings. Nasira ang negosyo ng mga biyahero, nawalan ng kita ang mga taga-bus terminal, nasisante ang mga tsuper, konduktor, at meka-niko. Nasaktan ang ekonomiya -- dahil lang sa dalawang reckless drivers.

Dapat baguhin ng LTFRB ang patakarang pagsus­pindi o kansela ng prankisa ng buong bus line tuwing may malagim na aksidente. Ayaw ng bus operators mawasa­kan ng sasakyan o mamatayan ng pasahero, pero nakaka-recruit sila ng bugok na drivers. Dapat hig­pitan nila ang pagsala. Dapat din maghigpit ang Land Transportation Office sa paglisensiya ng professional dri-vers. Maghigpit ang Dept. of Health sa pag-accredit ng neuropsychiatric at drug testing clinics para sa drivers. At dapat obligahin ng LTFRB ang bus operators na mag-kabit ng CCTV na nakatutok sa driver, at speed limiters na mag-aalarma kapag lumampas ang takbo nang 60 kph. Sa madaling salita, magtulungan ang gobyerno at ope­rators sa pag-ayos ng sistema ng transportasyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

BUS

DAPAT

DON MARIANO

FLORIDA TRANSIT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

QUEZON CITY-MUNTINLUPA

REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with