KINASUHAN na ng NBI ng plunder ang tatlong senador at limang dati’t kasalukuyang kongresista sa P10-bilyong pork barrel scam. Ipinasosoli ng COA kina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Gregorio Honasan ang P952 milyong “pork†na winaldas noong 2008-2009. Nakakulong na si “pork†scam fixer Janet Lim Napoles.
Pero ito ang tanong: Hindi ba sa COA special audit ay 20 senador at 182 kongresista ang nabistong nagwaldas ng kanilang pork barrels? Kaya kelan kakasuhan ng NBI ang 17 pang senador at 177 kongresista?
Sana sagutin ito ng NBI. Lumalakas kasi ang bulong-bulongan sa Kongreso na “nagpapalakas†sa ahensiya ang mga kapartido Liberal ni President Noynoy Aquino para mapawalang-sala.
Pulitikahan na pala ang hustisya. Kumakalat ang suspetsang ‘yan dahil sa di-patas na trato sa mga hindi kapartido ni P-Noy. Halimbawa, kinasuhan ng NBI si Nacionalista Party Rep. Teodorico Haresco dahil sa “fake SARO scam. Ito’ bagamat siya ang nagpa-imbestiga nito, at nagpabigay sa staff ng impormasyon sa NBI. Hindi man lang siya hiningan ng panig, at ibinintang sa kanya ang recycling ng lumang SARO na dapat nang pinawalan-bisa ng Dept. of Budget.
Binuhay din ang isang kasong matagal nang dis-missed sa asawa ni VP at lider oposisyong Jojo Binay. Isang dekada na mula nang isampa ang kaso at dalawang taon mula nang ibasura. Hindi rin binigyan ng pagkakaÂtaon si Mrs. Binay na ipaliwanag ang panig.
Samantala, hindi inaaksiyunan ng Ombudsman ang tatlong hablang plunder laban kay LP member na Agriculture Sec. Proceso Alcala. Tungkol ito sa bilyon-bilyon-pisong overpriced na in-import na bigas, walang resibong gastusin, at pamimigay ng Malampaya fund sa mga pekeng NGO tulad ng ginawa ni Napoles.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).