‘Budol-budol’
RAMDAM na ang pagbabago ng panahon. Papasok na ang tag-araw. Binibigyang babala ng BITAG ang publiko, habang kasagsagan ng tag-init, kasagsagan din ng iba’t ibang modus isa na rito ang “budol-budolâ€.
Ito ang organisadong modus ng mga sindikato gamit ang “budol†money na ginupit mula sa mga diyaryo, isinukat sa totoong pera at nakarolyo na binalutan ng isang daan o isang libo. Kung hindi ka sanay sa ganitong uring modus, aakalain mo itong totoong pera. Kadalasang makikita ang mga “budol-budol†gang sa mga lansangan at mga matataong lugar.
Ang estilo, lalapit sila sa kanilang target. Kukunin ang atensyon, magmamagandang-loob at kunwari’y hihingi ng direksyon na parang inosente. Ang iba naman, nagpapaawa o sinasadya talagang magmukhang kaawa-awa na parang takot na takot sa lugar. Iisa ang kanilang layunin, ang makahatak ng mabibiktima at mahuhulog sa kanilang BITAG.
Mahirap basahin ang anyo ng mga sindikato dahil nag-iiba-iba sila ng estratehiya at paggamit ng modus. Pero ang gasgas na nilang estilo, magpapain ng mga magagandang babae o hindi naman kaya isang matandang lola na sa halip na iwasan mo, maaawa at mapapalapit ka. Dahil salat ka sa kaalaman, maaakit ka sa boladas at personalidad ng mga nagpapanggap na dorobo. Dito nangyayari ang modus.
Kinakailangan mo lang umano sumama sa kanila o hindi naman kaya, iiwan kunwari sa iyo ang isang malaking bag o sobre na puno ng pera na idedeposito sa banko.
Pero para masigurong hindi mo tatangayin ang bungÂkos ng pera, manghihiram sila sa iyo ng gamit partikular ang cell phone at iba pang mga mamahaling gadget. Tandaan, kasagsagan ng ‘budol-budol’ sa mga buwan ng Marso, Abril hanggang Mayo.
Ngayong alam ninyo na ang modus, ikalat at ipaalam ang babala na ito sa inyong komunidad, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at kapitbahay.
Sa panonood at pakikinig ng BITAG sa Radyo sa bitagtheoriginal.com at Radyo5 tuwing 10:00-11:00 ng umaga araw-araw, laging lamang ang may alam!
- Latest