SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may wadalang Justices sa Supreme Court ang diumano’y gustong isama sa isusulong na impeachment case sa Kamara.
Ang problema ay dehins pa sila pinapangalanan.
Naku ha!
Bakit kaya?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naulinigan daw nila si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, na kumukumpirma na hindi pa nila isinusulong ang impeachement case versus sa ilang members ng SC Justices.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ginagawa si Umali pero ito pala ay kanyang pang binubusisi ng husto para magpag-aralan.
Ika nga, nirerebisang mabuti!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gagawin diumanong bantayan este mali batayan pala sa impeachment ang desisyon ng SC sa disqualification case ni Marinduque Rep. Regina Reyes na maituturing umanong flip-flopping sa panig ng hukuman.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinaliwanag ni Umali, bumaliktad daw kasi ang SC sa umiiral nang jurisprudence na kapag ang isang nagwaging kandidato sa pagka-kongresista ay naiproklama na at nakapanumpa na, ito ay sakop na ng hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Para kay Umali, ang flip flopping decision ng Korte Suprema ay maituturing na betrayal of public trust sa panig ng mga maÂhistrado lalo na iyong bumaliktad sa mga nauna nilang boto hinggil sa kaparehong kaso.
Posible rin umanong pagbatayan ng impeachment case ang iba pang flip flopping decision ng SC gaya ng kaso ng cityhood ng 16 na munisipalidad at kaso ng Flight Attendants and Steward Association of the Philippines o FASAP partikular na ang retrenchment ng 1,400 flight attendants ng Philippine Airlines nuong 1998.
Hindi naman kasama sa pagbabatayan ng impeachment ang desisyon tungkol sa pork barrel ng SC, pero sa pinakahuli nitong ruling ay binaliktad nito ang desisyon at idineklarang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Sa gitna naman ng pagkakasangkot ng pangalan ni Umali hinggil sa kontrobersiya sa paggamit ng PDAF batay sa 2012 Annual Audit Report ng Commission on Audit sa Philippine Forest Corporation, nanindigan ang mambabatas na lehitimo at hindi peke ang non-gov’t organization na pinaglaanan ng bahagi ng kanyang pork barrel fund noong 2012.
Kinumpirma ni Umali na ang P13.45 million na bahagi ng kanyang PDAF ay naisalin sa NGO na Maharlikang Lipi Foundation Incorporated o MLPI na naging katuwang sa pagpapatupad ng Agro-Forestry Dev’t Program with Mangrove Rehabilitation ng ikalawang distrito ng Mindoro na kinakatawan ng kongresista.
Ang programa ay bilang suporta sa National Greening program ng gobyerno ng Philippines my Philippines.
Ibinida ni Umali, yong COA report na meron akong inilipat na P13.45 million sa isang NGO na ang pangalan ay Maharlikang Lipi Foundation Inc., wala namang problema dahil hindi ko naman tinatanggi ‘yan. Ginamit ko yung NGO para sa program ko na Agro-Forestry Dev’t Program with Mangrove Rehabilitation sa 2nd District ng Oriental Mindoro, in support to National Greening Program ng gobyerno.
Sabi nga, ni Umali hindi pekeng NGO ang MLFI.
Ika nga, original!
Nakasaad umano mismo sa audit observation memorandum ng Commission on Audit nuong June 26, 2013 na tanging ang MLFI lamang ang nakumpirmang nadoon sa nakarehistro nitong address.
“Sabi ng COA, only the MLFI was confirmed in the address validated, meaning hindi fake ang NGO,†tirada ni Umali.
Bukod dito, nakarehistro rin ang MLFI sa Securities and Exchange Commission o SEC at ito ay kinikilala ng COA bilang isa sa dalawang NGO na lehitimong naka-transaksyon mg Philforest.
Ikinuento ni Umali na mayroon siyang hawak na 2011 at 2012 report na naglalaman ng mga programa at aktibidad ng MLFI at maging litrato ng mga benepisyaryo nito, ito raw ay patunay na ang programa ay dumaloy at nakarating sa madlang people.
Banati ni Umali, “I will always cooperate in any investigation that COA may conduct.â€
Abangan.