^

PSN Opinyon

Nasaan na naman ang mga pulis?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NASAAN kaya ang mga pulis ng Southern Police District nitong weekend, ito ang katanungan ngayon sa Pasay City. Mantakin n’yo, dalawang ambush ang naganap sa siyudad ni Mayor Antonio Calixto  na hanggang ngayon blanko pa rin ang mga pulis doon. Ano ba ‘yan PNP chief Dir. Gen Alan Purisima at NCRPO director Marcelo Valmoria? Wala na bang kalutasan ang pananalakay ng mga riding-in-tandem? Wala na ba kayong kakayahan na mabigyan ng proteksyon ang mamamayan?

Noong Sabado, 4:30 ng hapon, pinagbabaril ng mga riding-in-tandem ang pamilyang Sy sa kahabaan ng Andrew Avenue, ilang metro lamang ang layo sa NAIA Terminal-3. Malubhang nasugatan ang mag-asawang  Minjiang Sy at Kim Sham Hong. Tinamaan sila sa ulo at katawan na hanggang ngayon ay nakaratay sa ospital. Masuwerteng nakaligtas ang dalawa nilang anak na sina Jai Mae at Wesley.

Makalipas ang ilang oras muling umatake ang riding-in-tandem. Ang pinuntirya ay si PO2 Alih Butal sa Legaspi corner Aurora Street. Napag-alaman ko, angkas ni Butal ang kanyang dalawang anak  patungo sa simbahan nang tambangan ng riding-in-tandem. At katulad ng sinapit ng pamilya Sy wala na namang alam ang Pasay City Police sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ang tanong ng sambayanan, nasaan ang mga pulis ni SSupt. Florencio Ortilla ng Pasay City Police at ang deployment  ni NCRPO director Valmoria.

Noong mapatay sa ambush si Zamboanga del Sur mayor Ukol Talumpa sa arrival area ng NAIA Terminal-2 nagkalat ang mga pulis ni Valmoria at SPD Director CSupt. Jet Villacorte sa lahat ng kalye sa Pasay City. Subalit mu-ling naglaho ang mga pulis kaya balik na naman sa panana-lakay ang riding-in-tandem sa lungsod ni Calixto.

Tama ang bulung-bulungan na lilitaw lamang ang mga pulis kapag may pinapatay sa lugar at oras na lumamig ang isyu, unti-unti na naman silang mawawala sa kalye. PNP chief Purisima, NCRPO director Valmoria, SPD director Villacorte at Pasay City Police chief Ortilla kailangan pa bang may magbuwis muna ng buhay bago ninyo magampanan ang serbisyo sa sambayanan? Panahon na para tutukan n’yo ang seguridad sa kapaligiran ng Terminal-3 para umangat ang ating tourism industry. Kung patuloy ang pananambang tiyak na lalayo na naman ang mga turista sa ating bansa.

Abangan!

 

ALIH BUTAL

ANDREW AVENUE

AURORA STREET

FLORENCIO ORTILLA

GEN ALAN PURISIMA

JAI MAE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with