^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Garbage fee sa QC

Pilipino Star Ngayon

LAGI nang ipinagmamalaki ng Quezon City na sila ang may pinaka-malaking income sa lahat nang siyudad sa Metro Manila. Pumapangalawa lamang sa kanila ang Makati City. At kapag pinaka-malaki ang income, ibig sabihin, mayaman na ang turing dito. At kung mayaman, kayang gampanan ang serbisyo sa mamamayan. Hindi na kailangang pahirapan pa ang mga mamamayan dahil kayang ipagkaloob ang mga pangangailangan.

Pero maraming nagtaka noong nakaraang Dis-yembre 26, 2013 nang ipasa ng Quezon City council ang isang ordinansa at aprubahan agad ni Mayor Herbert Bautista. Ito ay ang garbage fee at social housing tax. Ang garbage fee ay babayaran ng residente depende sa laki ng kanyang pag-aaring lupa. Ang mga may lote na mababa sa 200 square meters ay magbabayad ng garbage fee na P100 bawat taon at ang may lote na 1,501 hanggang 2,000 square meters ay P500 ang garbage fee. Isasama ang garbage fee sa realty property tax at nagsimula na noong Enero 1, 2014. Ayon sa Quezon City government, ginawa ang aksiyon para matulungan ang mga bayarin ng lungsod na may kaugnayan sa trash collection. Nasa P1 bilyon daw ang binabayaran ng lungsod sa mga contractor ng basura at ganundin sa maintenance ng sanitary landfill sa Payatas.

Ganito ba ang lungsod na inaangking pinaka-malaki ang income? Pati ang pagbabayad sa basura ay ipapapasan sa mamamayan. Tungkulin ng lungsod ang pagkolekta ng basura at nagagawa nila ito dahil sa buwis naman na ibinabayad ng mga residente. Dahil sa ordinansa, madodoble ang binabayaran ng mamamayan ng QC.

Mabuti na lamang at isang residente na nagnga­ngalang Jose Ferrer Jr. ang kumuwestiyon sa ordinansa at iniakyat ito sa Supreme Court noong Enero 17. Sabi ni Ferrer, hindi dapat mangolekta ng garbage fee ang QC government dahil nagbabayad na ng buwis ang mamamayan at may share pa sa Internal Revenue Allotment (IRA). Hindi dapat pahirapan ang mamamayan. Noong Huwebes, lumabas ang kautusan ng SC na itigil ang pagkolekta ng garbage fee.

Isang magandang hakbang ang ginawa ng SC para sa kapakanan ng mga mamamayan ng QC. Malaking kabawasan ito sa mga residente. Ang tanong ay paano mare-refund ang naibayad ng mga residente sa garbage fee?

ENERO

FEE

GARBAGE

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

JOSE FERRER JR.

MAKATI CITY

MAMAMAYAN

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with