PATAY na ang batikang American actor na si Phillip Seymour Hoffman. Natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang apartment sa New York. Wala pang opisyal na dahilan ng kanyang pagkamatay, pero hinala ng mga pulis, na-overdose sa heroin. Natagpuan ang heroin sa kanyang tabi at may nakasaksak na karayom sa kanyang braso.
Kilala siya para sa mga pelikulang “Twisterâ€, “Boogie Nightsâ€, “Mission Impossible IIIâ€, “Capoteâ€, at ang pinakahu-ling pelikulang “The Hunger Games: Catching Fireâ€. Siya ay sikat, mayaman, may pamilya at kumpor-table na sa buhay. Kaya ang tanong ko uli, bakit pa niya kailangan ang illegal drugs? Ano pa ba ang kulang sa kanyang buhay?
Pero madalas ngang mangyari ito. Mga kilala at sikat na tao, matatagpuan na lang patay dahil sa droga. Sila lang ang nakaaalam kung bakit sila nalulong sa droga sa kasagsagan ng kanilang kasikatan. At si Hoffman ang isa na namang patunay kung gaano kasama ang droga. Naninira ng buhay sa pinaka-masamang pamamaraan.
Kaya nakababahala ang Sinaloa drug cartel na nag-ooperate na umano sa bansa. Hindi ako naniniwala na isa lang ang pagawaan ng droga na itinayo nila sa bansa. Kung may nahuli na ang mga otoridad, hindi pa ito lahat. Pero mabuti naman at may nahuhuli. Sana lang ay makasuhan at maparusahan.
Problema nating lahat ang illegal drugs. Dapat lahat tayo ay may naitutulong sa laban. Huwag na nating hintayin na may mahal sa buhay tayo, o kilala na hindi na matalikuran ang illigal drugs. Huwag sana mangyari sa mga mahal natin ang nangyari kay Hoffman.