P-Noy kay Alcala: Malaki pa rin ang tiwala-ha-ha
BISTADO na sina Agriculture Sec. Proceso Alcala at National Food Authority administrator Orlan Calayag. Habang itinatatwa nila sa publiko si “rice smuggler†DavidÂson Bangayan, alyas David Tan, palihim pala nila itong nililisensiyahang mag-import ng milyon-toneladang bigas. Tiyak, lahat ‘yun may suhol, dahil hindi naman magsasaka si Bangayan para mag-qualify mag-import.
Sa kabila ng exposé, malaki pa umano ang tiwala ni Presidente Noynoy Aquino kina Alcala at Calayag. O, e ano? Hindi tiwala ng Pangulo ang nagpapatino sa trabaho ng isang appointee. Ine-enganyo pa nga ng maling tiwala na ipagpatuloy ng appointee ang katiwalian.
Anang Malacañang, pumirma ng “performance contracts†para sukatin ang gawain nina Alcala at Calayag. Ano kaya ang laman ng kontratang ‘yun ni Alcala? Nakasaad ba ru’n na maari niyang iatras na naman, sa ano mang palusot, ang pangako niyang maisapat ang ani ng palay nu’ng 2013? Nakasaad ba ru’n na ititigil na ang pag-import ng NFA ng bigas sa $100-overprice kada tonelada ng kabuuang 800,000? Dahil diyan at iba pang scam, nasasakdal ngayon ng plunder si Alcala.
Si Calayag naman ay hindi kuwalipikadong mag-food security chief, na tungkulin ng NFA administrator. Wala siyang karanasan sa food production o distribution. Alalay lang siya noon ni Alcala sa Kongreso. Tapos, nag-emigrate sa Amerika, nag-U.S. citizen, nagtrabaho sa kung saan-saan, at umuwi nung magka-bakante sa NFA. Saka lang siya nag-apply ng dual citizenship. At ang sabi ng Malacañang nang ilantad ko lahat ’yan: may tiwala ang Pangulo kay Calayag. Aba’y ulat ng Customs ngayon na 50,000 tonelada ng bigas ang ini-smuggle buwan-buwan sa Pilipinas nu’ng 2013. Kung gan’un, bakit nagka-shortage nung Hunyo, kaya sumipa ang presyo ng NFA rice ng P28-P33 kada kilo, mula P22?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest