KAHAPON, lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display sa mga templo ng Chinese communities sa Metro Manila at sa lalawigan. Dinumog ng mga tao ang masayang count down ng Chinese New Year’s sa Plaza Sta Cruz, Manila na dinaluhan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno. Nagbara ang lahat ng kalye ng Binondo dahil ang mga bangketa ay inokupa ng vendors at mga naglilibot na Dragon Dance sa kalye, ngunit kata-taka na walang nagrereklamo. Kasi nga bukod sa makulay ang paligid marami pang mabibiling souvenir na pampasuwerte sa buhay at negosyo, mga imported na prutas na talaga namang sariwang-sariwa pa at ang ilan pa nga sa ating mga kababayan na matiyagang pumipila sa mga Chinese Temple at mayayamang Tsinoy businessmen ay nakatatanggap pa ng Angpao na may lamang datung. Hehehe!
Ang nakakapukaw ng pansin ay ang disiplina sa pagÂpapaputok ng firecrackers. Sabay-sabay nila itong isinasagawa sa kalye o sa mga kabahayan man. Ngunit ni isa man ay walang napabalitang nasaktan o naputulan ng mga daliri o dili kayay nasunugan ng bahay. Kasi nga, kahit na Chinese businessmen ang nagpapakalat ng mga piccolo at iba pang imported firecrackers tuwing sasapit ang Bagong Taon, hindi sila gumagamit nito. Tanging mga maliliit na firecrackers lamang ang kanilang inilalatag sa kalye kaya walang pinsalang dulot. Nakahanda na rin ang firetrucks ng fire volunteers na nagbubuhos ng tubig pagkatapos ng putukan upang mabasa ang mga naumidong fire crackers. Talagang malayo pa tayo sa kaugalian ng Chinese-Pilipino communities, kasi naman ang umiiral sa ilan nating mga kaÂbabayan ay ang pagyayabang, hindi alintana ang pinsalang dulot sa kanilang sarili at kapwa.
Kaya naman nating gawin itong kaugalian ng mga Tsinoy kung tutuusin, ang masama nga lamang ay nangingi-babaw ang kayabangan ng ilan nating kababayan sa tuwing masasayaran na ng alak ang sikmura. Hindi kasi kuntento ang ilan nating kababayan sa mahihinang paputok na panaboy sa mga masasamang espiritu kaya gumagamit sila ng mga super lakas na fire crackers. Idagdag pa ang mga hambog at makakati ang daliri sa gatilyo ng baril na walang pakundangang nagpapaulan ng bala sa ere. Kaya ang mga inosenteng kababayan din natin ang tinatamaan ng malas. Kaya mga suki, kung nagagawa ng mga Tsinoy na ligtas ang pagpapaputok ng firecrackers tuwing Bagong Taon kaya din naman natin ito. Ang kailangan lamang ay displina sa sarili. Kung Hai Fat Choi!