HINDI pa nakababangon ang Philippine National Police (PNP) sa isyu ng pangongotong, hulidap, kahina-hinalang “shootout†(gaya ng Atimonan) at iba pa, eto at lumabas naman na meron palang “Wheel of Torture’’ sa kanilang intelligence branch sa Biñan, Laguna. Ang “Wheel of Torture†ay ginagamit para paaminin ang suspek. Ito ang binulgar ng Commission on Human Rights (CHR) noong Martes. Ayon sa CHR, 41 detainees sa nasabing police facility ang nakaranas ng torture.
Kakaiba ang pamamaraang ginagawa ng mga pulis para mapaamin ang suspect. Paiikutin ang “Wheel of Torture†at kapag tumapat sa “20 seconds Manny Pacmanâ€, ibig sabihin ay 20 segundo nang walang tigil na suntok ang ibibigay sa suspek. Kapag tumapat sa “30 seconds Paniki†ibig sabihin ay 30 segundo na nakabitin nang patiwarik ang suspek at pagkatapos ay “papaluin ng bat†sa loob ng 30 segundo.
Matindi ang pag-torture na ito. Wala ring ipinagkaiba sa ginawa ng dating police officer na si Insp. Joselito Binayug ng Asuncion Police Community Precinct sa Tondo, ilang taon na ang nakararaan. Nakunan ng video si Binayug habang hinihila ang tali na nakakabit sa ari ng robbery suspect. Umaaringking sa sakit ang suspect habang hinihila ni Binayug ang tali. Kinasuhan siya at nasibak sa puwesto. Noong nakaraang taon, naaresto siya habang nagre-renew ng driver’s license.
Ayon sa CHR, 10 pulis ang ni-relieved sa puwesÂto dahil sa “Wheel of Tortureâ€. Ang mga pulis ay naÂkiÂlalang sina Chief Inspector Arnold Formento, SPO2 Bernardino Artisen, SPO1 Alexander Asis, PO3 Freddie Ramos, PO2 Marc Julius Caezar, PO2 Aldwin Tibuc, PO2 Melmar Baybado Viray, PO2 Mateo Cailo, PO2 Renan Galang at PO1 Nelson Caribo.
May bagong dungis na naman ang PNP sa pangyayaring ito. Mabuti at nabulgar ang ginagawa ng 10 pulis na hindi makataong pagpapahirap para lamang paaminin. Hindi katanggap-tanggap na para mapaamin ang mga suspek ay idadaan sa matinding pagpapahirap. Hindi ba’t wala na ang diktaduryang Marcos bakit meron pang natirang kampon. Magkaroon ng pagsisiyasat ang pamunuan ng PNP para matiyak na wala nang pagpapahirap na ginagawa para lamang mapaamin ang mga suspek.