‘Dikit kay bossing, todas’
(Ikalawang bahagi)
NAWALAN ng kontrol ang sasakyan ni Gitcho. Nadagit ang isang pang motor sa unahan. Napahiga ang drayber. Nasaksihan niya ang buong pangyayari. Nagkatinginan sila nung ‘gunman’… dahan-dahang inangat ang baril at tinutok dito sa taong maaaring tumestigo sa kanya. Nanigas ang katawan niya at ‘di nakakilos sa kanyang kinaroroonan. Hinintay niya ang tunog ng putok ng baril…
Nung MIYERKULES isinulat namin ang brutal na pamamaril sa isang 22 anyos na si Engr. Ray Londel Capati o “Gitcho†habang lulan ng kanyang kotse sa National Road cor. Feria St. Brgy. Ilwas, Subic, Zambales
Mabilis na rumesponde ang mga pulis ng Subic. Hinabol nila ang bumaril at ang drayber ng nagulungan ng motor ng kotse ni Gitcho ay tumakbo rin sa direksyon kung nasaan ang suspek, napaghinlaan din daw itong ‘gunman’.
“Sa takot daw nung lalaki dahil akala niya pati siya papatayin ng ‘riding-in-tandem’, nanakbo siya. Nakapalibot na ang pulis ng itaas niya ang mga kamay at nagsisigaw, ‘Hindi po ako yun! Ako po yung drayber ng nagulungan ng motor!’ â€wika ng ama ni Gitcho na si Reynaldo “Rey†Go.
Sa paghahabol ng mga pulis, nadaanan nila pauwi ang isang lalakeng kahina-hinala ang itsura ang kinikilos na tumutugma umano sa diskripsyon ng gunman ayon sa mga nakikita. Sinita nila ang lalaki subalit tinawag daw ito ng isang taga kapilya ng Iglesia Ni Cristo (INC).
“Nawala ang pagduda nila kasi kilala siya ng taga kapilya,†wika ni Rey.
Nakalusot sa mga pulis ang namaril subalit na- ‘recover’ ang naiwang itim na Honda Bravo--walang plaka sa pinangyarihan ng krimen.
Nakita raw sa ‘compartment’ ang ‘plate number’ na tinanggal na may plakang 8186 RG. Nalamang ito’y nakarehistro sa nagngangalang Zenaida Navarro residente ng San Isidro, San Pablo, Castillejos, Zambales.
Kwento ni Rey, nagsagawa ng ‘follow up operation’ ang mga pulis at nalaman mula kay Zenaida na ang isang nagngangalang Romnick Rolls, taga San Marcelino, Zambales niya huling pinagamit ang kanyang motor.
Ika-18 ng Setyembre 2013, bandang alas 2:00, isang lalaki ang nagtanong sa presinto tungkol sa Honda Bravo. Nang tanungin ng pulis kung sino ang lalaki nagpakilala siyang si Romnick Rolls.
“Nung marinig nila ang pangalan hinold na siya ng mga pulis. Dumating ang dalawang pulis na rumesponde sa krimen… at namukaan siya. Siya raw yung sinita nilang lalaki nun sa tapat ng kapilya,†ayon kay Rey.
Agad na kinulong si Romnick. Nagsampa ng kasong Murder ang pamilya ni Gitcho sa Provincial Prosecutor’s Office, Olongapo City laban kay Romnick at sa dalawa pang ‘di kilalang lalaki (Peter Doe, na sinasabi nilang dating Casa Mia 2 Contractor) at John Doe.
Nagkaroon ng pagdinig ang kaso. Nagsumite ng Kontra-Salaysay si Romnick at pinabulaanan ang akusasyon laban sa kanya.
PARA SA ISANG BALANSENG PAMAMAHAYAG, base sa Kontra-Salaysay, giit ni Romnick hindi niya kilala ang biktima. Isa siyang mekaniko at wala raw silang kaugnayan o transaksyon ni Gitcho.
Wala naman daw direktang nakakita o nagturo sa kanya na naroon siya nung maganap ang krimen. Wala raw siya sa binabanggit na lugar, araw at oras.
“Noong hapon ng September 17, 2013 ako po ay pinatawag ni Ka Glenn T. Garganta, Ministro sa INC sa local ng Subic. Ipinagawa po niya ang kanyang sasakyan na noon ay nasa harap ng kapilya,†laman ng salaysay.
Alas 5:00PM na raw ng maayos niya ang nasirang sasakayan. Patunay dito ang inilakip na Sinumpaang Salaysay ni Glen Garganta. Ayon naman sa salaysay: ipinatawag niya si Romnick at dumating ito 1:00PM at natapos ng bandang 3:00PM. Alas 4:00PM ng sila raw ay maghiwalay. Nagsabi raw ito sa kanyang may isa pang sasakyan na gagawin na pagmamay-ari ng isang ministro.
Nakita rin daw siya ni Ka Samuel Delos Reyes, Ministro rin habang siya’y nasa tindahan, sa tapat ng kapilya.
Nagbigay din ito ng Sinumpaang Salaysay at sinasabing nakita nga niya si Romnick bandang 5:00PM malapit sa tindahan.
Nakita rin daw nitong may lumapit sa kanyang mga pulis kaya’t pumunta din siya sa tindahan. “Sandali lang ang mga pulis at iniwan na siya. Nilapitan ko at tinanong kung bakit nandun siya. Ang tugon niya ay magmemeryenda lang siya. Galing daw siyang Subic kay Ka Glenn Garganta,†sabi nito sa salaysay.
Tinanong din daw niya kung bakit may mga pulis na kumakausap sa kanya at sinabi nitong tungkol sa naganap na papamaril. Tinanong din daw si Romnick kung ang dala niyang traysikel ay sa kanya.
Kinuwestiyon din nito sina PO2 Elmer Torres at PO2 Cristopher Brill na kumausap sa kanya kung bakit ‘di siya hinuli mismo ng araw na iyon.
Base sa salaysay nila PO2 Torres at PO2 Brill: “…matapos ang nabanggit na pamamaril kay Ray Londel Capati at sa aming paghahabol sa suspek na tumangay ng RUSI na tricycle ni Alberto Jardin Almonte ay aming nakita at nakausap si Romnick Rolls, malapit sa harap ng kapilya ng INC, Aningway, Sacatihan, Subic. Dahil sa kahina-hinala nitong kilos na nakasuot ng jacket na itim.â€
Nagpaliwanag daw ito na galing sa loob ng kapilya ng INC na malapit sa lugar na iyon kaya iniwan na siya at dinala sa himpilan ng pulisya ng Subic ang RUSI Tricycle ni Alberto Jardin Almonte.
Sa binigay na salaysay ng mga pulis kung siya ang totoong sangkot sa krimen nung araw na iyon ‘di sana raw siya nakita sa nasabing lugar.
Imposible ding makarating daw siya agad sa dakong iyon at makabalik din agad-agad. Itinanggi rin ni Romnick na meron siyang baril. Maging ang ‘paraffin examination’ na ginawa sa kanya ay NEGATIVE ang resulta,
Nadawit lang daw ang pangalan niya dito dahil nalaman nila mula sa may-ari ng motor na ginamit sa krimen na nasa kanya itong pag-iingat bago mangyari ang pamamaril. “Totoo po iyon, ipinagkatiwala po nila sa akin ang motor na ito upang magamit ko sa paghahanap ng murang side car na second hand para maikabit nasabing motor…†laman pa ng salay ni Romnick.
Nagsumite ng Sinumpaang Salaysay mismo ang may-ari ng motor na si Zenaida Navarro. Pati na rin ang mga testigo sa kasong ito at kung ano ang resolusyon ng taga-usig matapos niyang timbangin ang lahat ng mga ebidensya na inihain sa kanya sa ‘Preliminary Investigation’.
Ang pahayag ang lahat ng ito at iba pang detalye sa pagpatay sa isang inhinyero ng mga ‘notorious’ na mga hired-killers na binansagang ‘riding-in-tandem’ na ngayo’y isang malaking sakit ng ulo sa ating mga kapulisan. ABANGAN sa BIYERNES. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest