NITONG nakaraang linggo, natukoy na ng BITAG investigative team ang mapanganib at ipinagbabawal na kemikal na ginagamit ng mga kriminal na drayber sa kanilang modus.
Ito ‘yung kemikal na kapag nalanghap ng kanilang pasahero sa loob ng airconditioned taxi makakaramdam ng pagkahilo, pamamahid ng katawan at panghihina. Dito nagkakaroon sila ng oportunidad na isagawa ang krimen.
Masahol dito hindi ka lang mananakawan. Nagagawa rin ng mga utak-kriminal na drayber na molestiyahin ang biktima. Marami na ang mga nabiktima sa modus na ito. Lahat mga babae. At ang krimen, karaniwang isinasagawa sa gabi.
Lito ang mga awtoridad, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, National Bureau of Investigation at Highway Patrol Group ng Philippine National Police kung anong uring kemikal ang ginagamit sa modus.
Dito, nagka-interes ang grupo ng BITAG na alamin at tukuyin kung ano at saan nabibili ang nasabing kemikal. Sa tulong ng mga dalubhasang doktor, natukoy ang ginagamit na kemikal na hindi namin babanggitin ang pangalan sa kolum na ito.
Nabibili ito sa Bambang, isang dura lang ang layo sa tanggapan ng Department of Health at San Lazaro Hospital sa Maynila.
Para makaiwas sa modus, alamin ang nasabing kemikal sa bitagtheoriginal.com.
Ang episode na may pamagat na “Langhap†ay ipinalabas na namin sa People’s Television (PTV4). Ito ay mapapanood na ngayon, buong-buo sa nasabing website sa anumang gustuhin ninyong oras.
Tumulong na maikalat at mapanuod ang “Langhap†sa inyong komunidad, sa inyong mga kaanak, maging sa mga eskwelahan at tanggapan upang hindi mapasama sa estatistika ng mga nabibiktima.