MAPAPANSIN sa aklat ni Isaias ang pagpapahayag niya ng liwanag. Sa Galilea ng mga Hentil, ang mga tao ay nakatanaw nang malaking liwanag at tumama ang liwanag sa mga taong nabubuhay sa kadiliman. “Panginoo’y ating tanglaw, siya’y ating kaligtasan.â€
Maging sa pananampalataya kay Hesus ay hingin natin ang liwanag upang magkaisa. Ipinaaalala sa atin ang mga pagtatalo noong panahon ni Pablo: “Magkaisa kayo sa pananalita, isipan at layunin upang mawala ang pagkakabaha-bahagi.â€
Maraming relihiyon ang laganap na sa buong daigdig. Sa ating bansa na lamang ay iba’t ibang relihiyon na ang naglitawan. Sa aming kaparian, ang ipinangangaral namin ay ang kabuuan at paliwanag sa Salita ng Diyos at pagdiriwang ng Huling Hapunan. Hindi kami bumabanggit o naninira ng ibang relihiyon. Bakit yung iba sa kanilang pangangaral ay laging pahapyaw na naninira ng ibang relihiyon. Kataka-taka na sa pangangaral ng ibang relihiyon ay hindi magiging buo ang kanilang pagsamba sa Diyos kung walang paninira sa mga Kristiyano-Katoliko.
Kaya sa pangangaral ni Hesus, hindi Niya binabanggit ang ibang pananampalataya at aral. Ang lagi Niyang sinasabi ay: “Pagsisihan at talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.â€
Ang relihiyon ay isa lamang tulong upang mapagbuti at mapagtibay ang ating kapwa. Ang pinaka-mahalagang gabay ay ang ating pagtupad sa utos ng Diyos, pag-ibig sa Kanya at kapwa. Higit sa lahat ay ang patuloy nating pagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Palaganapin natin ang Salita ng Diyos. “Sumunod kayo sa Akin at gagawin Ko kayong mamamalakaya ng tao.â€
Isaias 8:23b, 9:3; Salmo 26; 1Cor 1:10-13, 17 at Mateo 4:12-23