MADALAS nating marinig sa balitang… musmos minolestiya. Hindi normal ang mga taong gumagawa nito at sa aking isang diretsong pananalita pwede silang tawaging… manyakis.
“Mahal na mahal ko ang batang yan… unang apo ko yan,†ani ng lolong si Maximino “Bong†Mercado Jr. , 53 anyos ng Pateros.
Pagdidiin ni Bong, hindi niya magagawa ang binibintang sa kanya ng anak na si Angielyn, 22 anyos na umano’y pangmomolestiya niya sa dalawang taong gulang niyang apo na itatago namin sa pangalang “Liletâ€.
“Hinawak hawakan ko daw ang ari ng apo ko…Pinasok-pasok ko raw ang aking daliri,†wika ni Bong.
Hiwalay si Bong sa asawang si Dominatalia “Natyâ€, 59 anyos. Nagkaroon sila ng isang anak, si Angielyn. Aminado si Bong na ‘di daw naging maayos ang pagpapalaki nila kay Angielyn.
Mula taong 1997 kasi nasa Japan na itong si Bong at nagtrabaho bilang bokalista ng isang banda. Si Naty naman nagtrabaho din sa Korea bilang titser.
“Isang taon lang TNT (Tago Ng Tago) na ako sa Japan. Iba’t ibang trabaho na pinasok ko. Sa konstraksyon… janitor. Kung ‘di lang nagkaÂtsunami at nagkahigpitan ‘di ako mapapadeport,†ayon kay Bong.
Nakapagpundar daw si Bong ng bahay sa Isabela at sakahan subalit ng maghiwalay sila ni Naty, binenta nila ang lupa dun at binigyan siya ng kanyang parte sa halagang Php300,000.
“Tinanggap ko ng sumama si Naty sa nakilala niyang Americano sa Korea. Nagsimula na lang akong muli nagnegosyo ako,†sabi ni Bong.
Nagtayo siya ng bakery sa Pateros at pinamahala ito kay Angielyn. Agosto 2011 ng simulan nila ito. Pebrero 2012, nalugi agad ang negosyo nila.
Hiningi daw ni Bong ang mga gamit sa paggawa ng tinapay subalit nalaman niyang binenta na umano ni Angielyn ito.
Nawalan ng kita si Bong. Nagtrabaho siya sa konstraksyon at tumuloy sa kanyang kapatid sa Paranaque. Buwan ng Hulyo 2013, tumuloy na siya sa bahay ng kinakasama ni Angielyn na si Jerwin, 10 taon daw ang tanda sa kanyang anak. Kasal sa unang asawa at may apat na anak si Jerwin.
Nung may trabaho si Bong kwento niya, 6:00AM pa lang umaalis na siya ng bahay at 9:00PM na ang kanyang balik. Buwang ng Nobyembre ng mawalan siya ng trabaho siya na daw ang tagalinis ng bahay, taga luto. Minsan naman tumutulong siya sa canteen na pagmamay-ari ni Jerwin.
Ika-9 ng Desyembre 2013, bandang 8:30PM, habang nag-iinuman sila Bong sa bahay ng kaibigang si German, dumating ang kanyang anak…tinawag siya at sinabi raw, “Anong sinusumbong ng apo no na ginagalaw mo ang p3#3 niya?†Mabilis na sagot ng lolo, “Ano?! Hindi ko magagawa yan sa apo ko. Mahal na mahal ko ang batang yan!†sabay uwi nito sa bahay.
Sinilip niya ang apo sa kwarto subalit tulog na ito katabi ng kanyang ama. Paulit-ulit na sinabi ni Bong na ‘di daw niya magagawa ito sa kanyang apo.
Hinamon ni Angielyn ang ama na ipapatingin sa ‘center’ ang anak kinabukasan. Ika-10 ng Desyembre 2013, sinugod siyang muli ni Angielyn at pinagmumura daw siya, “P*7@n6 i#@ mo! Demonyo ka! Lumayas ka dito!â€
Nagmatigas si Bong at pumunta sa center kung saan daw nagpatingin ang bata subalit wala naman daw rekord dun ang apo. Umalis siya ng bahay at tumira kay German. Giit ng lolo pinalalayas daw siya ng anak niya sa lugar nila.
“Ginagawa lang nila ito kasi ‘di na nila maibalik ang perang binigay ko pang negosyo, ginagamit pa nila ang bata. Pinapalayas niya ko sa bahay ng kaibigan ko wala siyang karapatang paalisin ako. Dahil ‘di niya bahay yun at ‘di naniniwala ang kaibigan kong di ko magagawa yun sa apo ko,†ani Bong.
Ika-3 ng Enero 2014, ng magpunta sa aming tanggapan si Bong. Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
Diniretso namin si Bong na kung ito nga ay ginawa man niya o hindi ang tanging magagawa niya ay hintayin ang ‘subpeona’ kung may kasong inihabla sa kanya at kapag nakatanggap siya saka siya bumalik sa amin.
Enero 6, 2014, bumalik agad sa’min si Bong bitbit na ang mga dokumento at subpoena mula sa Provincial Prosecutor’s Office, Rizal kung saan pinapaharap siya para sa kasong RAPE in Relation to R.A 7610 (Child Abuse).
PARA SA ISANG BALANSENG PAMAMAHAYAG, base sa binigay na salaysay ng bata nung ika-16 ng Desyembre 2013, sa Pateros Police Station sa pagsisiyasat ni PO1 Lanie DS. Palmero sa patnubay ng kanyang inang si Angielyn:Nang tanungin ang bata kung anong ginagawa sa kanya ng kanyang lolo sagot nito, “Hinahawakan p3*3 ko.â€
Ayon naman sa salaysay na binigay ng ina ng bata sa pulis: Ika-10 ng Desyembre 2013, 8:00 ng gabi, papalitan niya ng diaper ang anak nung huhugasan na niya ito ng ari sabi ng bata sa kanya, “Wag masakit yung p3p3 koâ€. Kaya’t di daw niya ito masyadong nahugasan. Nung susuutan na niya ito ng diaper at pupunasan ng wipes umaray muli ang anak at sinabing masakit ang kanyang ari. Tinanong niya kung bakit ito masakit, nagulat siya ng sabihin nitong, “Si Lolo Bong po kasi eh hinawakan ang p3*3 ko.†Inusisa ng ina ang anak at tinanong kung saan ito ginawa sa kanya, “Sa labas dun traysikel†sagot nito.
Mula nun takot na daw itong sumama sa kanyang lolo. Nung pinacheck up niya ang bata napansin niya ring ‘di mapakali si Bong at lagi ng umiiwas sa kanila ni Jerwin. Nang kumprontahin niya sabi daw ni Bong, “Di ko magagawa yung hawakan ang p3*3 ng anak mo. Baka naman may nagturo sa anak mo.â€
Nagsampa ng kaso sina Angielyn at nakatakda ang pagdinig sa ika-14, 21 at 28 ng Enero. Giit ni Bong wala umano siyang ginawa sa apo at wala din daw nakita sa Medico Legal Report na ginawa sa bata ika-12 ng Desyembre 2013.
Bago namin isulat ang artikulong ito, dahil kami ay patas sa aming pamamahayag. Tinawagan namin muli ang ina ng bata na si Angielyn dahil nung una namin siyang kinontak ‘un-attended’ ang kanyang numero.
Ika-16 ng Enero 2014, amin ng nakausap si Angielyn. Sinabi namin na nagpunta ang kanyang ama sa aming tanggapan at ang reklamo nito na-‘frame up’ lang daw siya. Kinuha namin ang panig ni Angielyn tungkol sa mga usaping binabato sa kanya ng sariling ama. “Bakit naman po ako gagawa ng kwento? Magsisinungaling po ba ang dalawang taong gulang na bata?†ani Angielyn.
Sinabi ni Angielyn na sasagutin niya isa-isa ang reklamo ng kanyang ama. Parehong araw, kinapayam namin siya sa aming programa sa radyo.
Sinubukan namin tawagang muli ang lolong si Bong pero ‘di na namin siya makontak sa dating numerong binigay niya sa’min.
ANG MGA PAHAYAG ni Angielyn… ABANGAN sa BIYERNES. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038