IPINAHAYAG ni Isaias na darating ang panahon na ang bayang matagal nang nasa kadiliman ay makatatanaw nang isang malaking liwanag. Naganap iyon makalipas ang mahabang panahon. Nagliwanag ang daigdig sa pagsilang ni Hesus.
Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ni Panginoong Hesus. Pinagkalooban niya tayo ng lahat nang pagpaÂpalang espiritwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Hesus. Ngayong linggong ito, ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng Banal na Santo Niño. Ang sentro ng ating kasayahan ay ang Cebu na kung saan dinala ng mga Kastila ang kauna-unahang imahen ng Santo Niño bilang regalo kay Reyna Humabon nang sakupin nila ang ating bansa. Simula noon, naging bahagi ng ating buhay at pananamÂpalatya na ang Banal na Sanggol na si Hesus. Dinadasalan natin Siya para sa mga pagpapalang hinihingi natin sa Diyos Ama.
Binabati ko ang mga simbahan at mga paaralan na nakapangalan sa Poong Sto. Niño at sama-samang nagdiriwang sa araw ito sa kanilang kapistahan. Mahal na Poong Sto. Nino, pagpalain mo po kami!
Dito din natin napagtanto na tayong mga Piipino ay mapagmahal sa mga sanggol at maliliit na bata kahit hindi natin sila kamag-anak. Sabi ni Hesus: “Tandaan ninyo ito. Kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyosâ€. Kaya magpakababa tayo tulad ng mga bata. Huwag nating pabayaan ang mga sanggol. Sila’y binabantayan ng kanilang mga anghel na tagapagtaguyod: “Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo sa langit ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng ating Ama.†Maging inspirasyon natin ang mga bata upang tayo rin ay maging malinis ang buhay at walang kaaway.
Ang kabanalan ng isang bata ang ating tularan. Tapat sa kanilang iniisip at damdamin at hindi mapagbalat-kayo. At higit sa lahat huwag tayong nagbabata-bataan sa pananalita at pagkukunwari. Poong Sto. Niño, kahabagan mo po kami!
Isaias 9:1-6; Salmo 97; Efeso 1:3-6, 15-18 at Mateo 18:1-5,10
* * *
Happy Birthday to Msgr. Olivete C. Rojas.