^

PSN Opinyon

49th Public Installation ng Laon-Laan Lodge 185

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

CONGRATS sa mga Brethren na bagong hangal este mali halal pala na mga officers ng Laon-Laan Lodge 185 ngayon Masonic year 2014-2015 matapos ang isang napakasayang at pigil hiningang eleksyon last month.

Ang mga nanalong opisyal ng Laon - Laan Lodge 185 ay sina Bro.Fiscal Antonio “Blas” Tuliao, bilang Worshipful Master, Senior Warden, Bro. Adonis Baluyot, Junior Warden Bro. Rey Raagas, Bro. Francisco Romarate,Treasurer, Bro. Bro. Ernesto Ligon, Secretary, VW Rosauro Regala, Auditor,VW Roberto Fajardo, Harmony officer, Bro. Mark Albren Santos, Senior Deacon, Bron. Walfredo Sumilang, Junior Deacon, Bro. Kurt Fedrick Friotz Muller, Senior Steward, Bro. Jose Maria Mendoza, Junior Steward, Bro. Junfel Zamora, Chaplain, Bro. Ronan Rex Ramos, Marshal, Bro. James Reinier Lino, Lecturer, Bro. Gualberto Angeles, Almoner, Bro. Nicolai Shahin Maghaddam, Orator, Bro. Jeffery Joseph Dublado, Organist, Bro. Butch Quejada, Historian at WB Rey Camilo Dumlao 11, Tyler.

Iniimbitahan ni Bro. Tuliao, Bro. Baluyot at Bro. Raagas ang lahat ng Brethren na dumalo sa Feb 1. 2014 para sa isang napaka-garbong fellowship na inihanda ng three lights para sa mga bisitang darating dahil katakut-takot na apat na litson baka ang donated ni Bro. Adonis, limang litson baboy ang ibinigay ni Bro. Raagas at mga imported na inumin ang dala naman ni incoming WB Blas Tuliao at marami pang umaatikabong pagkain ang ihahain ng mga Kuyang from Laon Laan Lodge.

Sabi nga, punta kayo at ang hindi pupunta ay tiyak hindi matitikman ang mga masasarap na tsibog na ihahain ng mga Kuyang.

Ipinaaalala ni Bro. Adonis Baluyot na huwag ng magdala ang mga Kuyang na pupunta ng mga plastic bag na lalagyan ng mga pagkain na gustong iuwi ng mga bisita dahil may mga nakatuka na para sa kanila. Basta ang importante ay mahalaga kayong dumating.

Sabi ni incoming WB Blas Tuliao, si CA Justice Francisco P. Acosta ang guest speaker samantala sina VW Emilio Andrion Jr., ang Installing Officer, VW Beda Epres, ang master of Ceremonies at VW Alberto Encarnacion, Assisitang Master of Ceremonies

Ang venue ng 49th Public Installation ng Laon - Laan Lodge 185 ay sa Tanghalang Pasigueno, Pasig City Hall Complex, Pasig City, sa ganap na alas 3 ng hapon (Sabado) February 1, 2014.

Sabi nga, see you there, Brethren!

 

Kyusi crimes lumalala

 

KUNG ang mga ordinaryong madlang public ang tatanungin isa na ang Kyusi sa may pinakamalaking naitalang crime rate dahil mukhang hindi kaya dito ng mga naka-upo at tila hindi na yata tumatayo sa kanilang kinauupuan ang mga kriminal na nagkalat dito sa ngayon na parang mga kabute dumami.

Bakit kaya?

Sagot - iyan ang ipasagot natin kay QCPD director Albano?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tindi ng nangyayari sa Kyusi ngayon mukhang hindi kumikibo ang pamunuan ng NCRPO dahil ba parang natutulog sila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat pag-aralan ng pamunuan ng PNP na panahon na marahil para palitan si Albano sa puesto dahil parang pakaang-kaang ang kanyang mga pulis at mukhang patay malisya na hindi nila iniintindi ang nangyayari ngayon sa kanilang area of jurisdiction?

Sabi nga, command responsibilities ang isyu dito?

Ika nga, kung hindi kaya bumaba na sa trono para maipasa sa may kaya!

‘Bawat araw may namamatay sa Kyusi at parang walang nangyayari kapag umupak ang mga kriminal?’ Sabi ng kuwagong urot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sila ang tatanungin parang walang pulis sa Kyusi dahil sa mga pangyayari.

Sabi nga, HOY GISING!

Abangan.

 

ADONIS BALUYOT

ALBANO

ALBERTO ENCARNACION

BLAS TULIAO

BRO

KUYANG

KYUSI

LAAN LODGE

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with