96th Public Installation of Officers ng Cosmos Lodge No. 8 F.&.A.M
MALUGOD na iniimbitahan ng mga bagong opisyal at miembro ng Cosmos Lodge No. 8 ng Free and Accepted Masons of the Philippines ang lahat ng mga Brethren sa iba’t-ibang panig ng Philippines my Philippines na dumalo sa kanilang ika - 96th Public Installation sa Biernes, January 17, 2014 at 6pm dyan sa Scottish Rite Temple, Taft Avenue, Manila.
Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga bagong hangal este mali halal pala na mga opisyal na sina Worshipful Master Vladimir Fellizar Pelaez, chartered member ng Moriones Lodge 399, ng Masonic District RIV-C (Quezon Marinduque), 1st VP elect ng Bamboo Shrine Club 1902 Mabuhay Shriners Philippines my Philippines, Past President 2011 ng Quezon City Trowel Club, INC., member Pagong Ako Kuyang Pilipinas, Senior Warden Michael Angelo T. Parado, Junior Warden Ahmad Galwash S. Waja, Treasurer Emilio L. Osena, Secretary Richard J. Nethercott, Auditor WB Joselito L. Dela Cruz, Chaplain Terence John G. Dawang, Marshal Arnold M. Gonzales, Senior Deacon Manuel R. Gaerlan, Junior Deacon Alberto D. Chua, Senior Steward Jefferson T. Lim, Junior Steward Mariano H. Sison Jr., Almoner Jan Emil M. Nava, Bible Bearer Antonio G. Florentino, Harmony Officer VW Philbert G. Togle, Lecturer VW Jesus L. Regala, Historian Richard Querido, Orator WB Federic G. Sagario, Organist Ferdinand S. Rivera, Custodian of Works Roseller R. Rojo at Tyler WB Mario T. Avila.
Sinabi ni incoming WB Pelaez, ang kanyang Installing Officer ay si VW Alexander B. Madamba, Master of Ceremonies VW Romeo S. Musngi, Assistant Master of Ceremonies VM Melvin P. Mallo.
Ang panauhin pandangal ay si Right Worshipful Tomas G. Rentoy 111, Senior Grand Master, The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines.
Ayon kay WB Pelaez, ang hindi makakadalo ay dehado dahil hindi nila matitikman ang special food for the Kuyangs, Ateng and guest na inihanda ng Cosmos Lodge No. 8 at ang mga kahon, kahon inumin para rin sa mga Kuyang.
Sabi nga, punta na kayo mga Kuyang!
2 Illegal gambling collectors ipinaaaresto ng PNP - CIDG
GALIT at buwisit na buwisit diumano ng makarating ang report kay PNP - CIDG director Benjie Magalong na may dalawang kamoteng illegal gambling collectors ang gumagamit ng kanyang pangalan para ipanghingi ito sa lahat ng uri ng illegal vices sa Philippines my Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinahuhuli ‘at all cost’ ni Benjie sina alyas Baby Marcelo at isang alyas Wilson ‘kakilala’ sa mga alipores nito sa Criminal Investigation and Detection Group para mapanagot kung may katotohanan na ipinangongolekta siya ng mga ito sa mga gambling lords tulad ng jueteng, montehan, saklaan, lotteng bookies, Ez2, karera bookies, sugal - lupa at maging sa mga sugalan sa peryahan, sa mga sauna parlor at clubs na ginagamit bilang front ng prostitution.
IPINAARESTO ng isang top brass official ng Philippine National Police sa kanyang mga tauhan ang dalawang illegal gambling kolektor dahil ginagamit ng mga ito ang pangalan ng una para magkamal ng malaking halaga ng salapi.
Sinabi ng isang source, ipinahuhuli ni PNP - CIDG director Benjamin Magalong ‘at all cost’ sina alyas Baby Marcelo at isang alyas Wilson ‘kakilala’ sa kanyang mga tauhan ang dalawa dahil umabot sa kaalaman ng una na ipinanghihingi nila sa mga illegal gambling lords tulad ng jueteng, tupada, horse racing bookies, sakla, montehan at sugal/lupa, prostitution dens, mga sauna bath parlor na may special na gimik at sa mga clubs gamit ang kanyang pangalan.
‘Hindi biro ang salaping nakokolekta sa mga lords dahil million of pesos ito weekly.’ sabi ng kuwagong binubulag.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon pa raw ng bidding sa mga kolektor kung sino ang panibagong o-orbit sa mga lords.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bidding ay ang bagong presyo na ibinibigay para sa intelihensiya sa kanilang mga among bugok dyan sa PNP. Naglalaban - laban ang mga kamoteng kolektor kung sino ang mas maganda o mas mataas sa perang ibibigay bilang ‘tara’ kaysa sa dating tinatanggap.
Abangan.
- Latest