KUNG hindi nadiskubre ng Philippine STAR, magtatahimik sana ang Kongreso. Ikukubli na pinanatili nina Jinggoy Estrada at walo pang senador ng tig-P200 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa 2014 national budget. Ito’y sa kabila ng ngingit ng madla sa gan’ung pork barrel, at sa pagbasura ng Korte Suprema nito sa botong 14-0.
Isiningit ni Estrada ang PDAF sa anyo ng LGU Support Fund sa 2014 budget. Inilaan ang P100 milyon nito sa Lungsod ng Maynila, at tig-P50 milyon sa Caloocan at Lal-lo, Cagayan. Ito’y garapalang “pulitika ng sila-sila.†Ang mayor ng Maynila ay tatay ni Estrada, si dating Pangulo Joseph Estrada. Ang mga mayor ng Caloocan at Lal-lo ay bata-bata raw nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Juan Ponce Enrile. Sina Joseph Estrada, Binay at Enrile ang “Tatlong Hari ng Oposisyon.†Samakatuwid, pinapaboran ni Estrada ang mga partisano, gamit ang pera ng bayan.
Last minute nang isingit ni Estrada ang P200 milyon -- sa bicameral conference para pag-isahin ang budget versions ng Senado at Kamara. Pumayag ang appropriations committees at plenaries ng dalawang chambers. Pagdating sa pera, kutsabahan ang mga pulitiko.
Hindi nagawang i-veto ni President Noynoy Aquino ang insertion ni Estrada. Ito’y dahil kapwa sila may insertion. Sa orihinal na budget proposal ng Malacañang, nakalaan ang P200-milyong LGU Support Fund. Dagdag umano ito sa parte ng mga di-tinukoy na probinsiya, lungsod, at munisipalidad mula sa koleksiyon ng buwis. Presidential “pork†ito, dahil discretionary lump sum ni Aquino -- na dinoble lang ni Estrada ng sariling discretionary lump sum para sa Tatlong Hari.
Bale-wala na ba sa mga pulitiko ang batas at hinaing ng bayan?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com