IPINAHAYAG ni Propeta Isaias na magaganap ang pagpili ng Panginoon sa taong maghahanda sa daraanan ng Kanyang Anak. Ang taong iyon ay mahinahon at banayad magsalita. Ibinuhos sa kanya ang liwanag ng Espiritu. Magpapairal siya ng katarungan. Siya ay si Juan Bautista! Lubos niyang pinaghandaan ang daraanan ni Hesus.
Pinatotoo ni Pedro ang pangangaral ni Juan tungkol sa pagbibinyag niya kay Hesus sa Ilog Jordan. Doo’y ipinagkaloob sa Kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na Siya nga ang pinili.
Nagpakita si Hesus sa mga tao sa Ilog Jordan nang Siya ay lumapit kay Juan upang magpabinyag. Hindi matanggap ni Juan ang paglapit ni Hesus: “Ako po ang dapat Mong binyagan.†Subalit sinagot siya ni Hesus, “Ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyosâ€. Sumunod si Juan kaya naganap ang kalooban ng Diyos. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos. Bumaba tulad ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit, “Ito ang aking minamahal na Anak na lubos kong kinalulugdan.â€
Dito natin maisasapuso na mismong si Hesus pa ang nagbigay sa atin ng halimbawa ng pagpapabinyag. Pagpapatunay upang tayo ay maging tunay na alagad ng Panginoon. Ang binyag ay isang sakramento ng pananampalatayang Kristiyano na naglilinis sa kasalanang original na minana natin kina Adan at Eba. Ang kasalanan nila ay ang pagtatakwil sa kabutihan ng pagkalikha sa kanila ng Diyos.
Kaya dalawa ang pinagsimulan ng ating buhay na dapat ingatan. Ito ay ang birth certificate at baptismal certificate. Ang mga ito ang pinaka-mahalagang katibayan ng ating buhay.
Isaias 42:1-4, 6-7; Salmo 28; Gawa 10:34-38 at Mateo 3:13-17
* * *
Happy birthday kay Dr. Beth M. del Rio at Tess Manimbao.