^

PSN Opinyon

Corruption sa Customs

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang mga maliliit na empleyado sa Bureau of Customs ang nagnanais mapairal ang no take policy na sinimulan ni dating Deputy Commissioner Danny Lim. Maging ang maliliit na legal customs brokers ay nanana­wagan kay Deputy Commissioner  for Intelligence Jessie Dellosa na pairalin ito upang maging parehas ang trato sa lahat ng mga naglalabas ng mga kargamento sa BOC. At iyan ang masusing tinututukan ni Commissioner John Phillip Sevilla. Dahil kung magiging tulad din siya ng mga naging BOC chief tiyak na bilyong taxes na naman ang mawawala sa kaban at tanging corrupt officials lamang ang mabubundat sa padulas ng smugglers. Mga big time player ang may lakas ng loob na manuhol ng pera at babae sa mga corrupt BOC officials. Kapado na nila ang mga opisyales na walang kabusugan sa pera at mahilig sumimsim ng mga babae.  Ang abutan ng padulas ay sa mga exclusive restaurant at hotel sa Metro Manila. Ayon sa brokers na aking nakausap hindi na dumaraan sa examination/evaluation ang mga container na inilalabas ng smugglers sa MICP at ibang port ng BOC. Ang masakit, ang maliliit na brokers bago mailabas ang kanilang kargamento ay said na ang bulsa sa kalalagay sa examiners. Kaya ang kahilingan nila ay nakatuon kay Sevilla at Dellosa.

Katulad sa lumang paikot nina “Big Mama”, “Madam T” at “Mr. T” na gumagamit ng mga matataas na alipores ni P-Noy, bukod pa rito ang pagiging close-friend sa “Wangwang Boys” ng Intelligence Group (IG) alyas “Rubber” ng MICP; “Atina” ng POM; “Sucker ng IG; “Ala-e Dyan-e” at “Ulaner” ng CIIS; at sa sikat na “Ulikba Twins” na sina “Debura” at “Kabulastug” ng Risk Management Office. Ang kalakaran ng mga ito ay mahirap nang banggain ng kahit sino maliban kung magiging makatotohanan sina Sevilla at Dellosa sa pangakong paglilinis sa BOC. Huwag sanang tularan ni Sevilla at Dellosa ang kalakaran ni dating BOC commissioner Ruffy Biazon na namumudmod ng pera sa mga corrupt na miyembro ng media tuwing may presentation ng smuggled container cargoes! Noon ay nagtagumpay sina Big Mama, Madam T at Mr. T sa proteksyon raket ng mga Wangwang Boys at weekly protection ni “Abu Sablay” at “ Alyas Cabayot” sa ilalim ng pamamalakad ng Setev Brothers. At habang inaalam ko ang kanilang hideouts, hayaan muna sina Sevilla at Dellosa sa pagsawata ng sindikato sa BOC. Abangan!

ABU SABLAY

ALYAS CABAYOT

BIG MAMA

DELLOSA

MADAM T

MR. T

SEVILLA

WANGWANG BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with