‘Wala sa hulog’
WALA kang mapapansin sa unang tingin… subukan mong lapitan, kausapin at obserbahan, mabilis mong masasabing merong ‘di ayos sa kanyang pagkatao.
“Normal naman ang anak ko. Sinusumpong lang naman yan kapag nakakainom ng alak…†seryesong sabi ng isang 67 anyos na ginang.
Paikot-ikot, palakad-lakad, paroo’t parito…ganito sinalarawan ni Adela “Adel†Santilesis, 67 anyos ang anak na si Jerome, may sakit daw sa pag-iisip.
Si Adel ay 28 taong ng residente ng North Bay Blvd. South, Navotas. Tubong Naga City, Bicol Region sila ng namatay na asawang si Jesus—dating dyipney drayber. Nagkaroon sila ng isang anak… si Jerome.
Sinikap nila na nakapagtapos ng hayskul ang anak subalit huminto ito ng pag-aaral.“Mabarkada kasi ang anak ko. Hindi makakaila,†ani ng ina.
Naging tagahugas ng pinggan at kaldero si Jerome sa isang Christian Church sa kanilang lugar. Maswerte siyang napag-aral ng kanilang Pastor sa isang Vocational School sa Bulacan sa loob ng anim na buwan.
Nakapagtrabaho si Jerome bilang Welder. Nagsimula siyang makatulong sa kanyang pamilya. Edad 25 anyos siya ng makilala niya ang isang 35 anyos na babaeng dating niyang kostumer.
“May asawa ang babae nasa Qatar… ‘Di ko na maalala pero alam ko nagkaroon sila ng relasyon ng anak ko,†kwento ni Adel.
Naging inspirasyon ni Jerome ang babae. Nagbalak siyang mangibang bansa subalit pinigilan daw siya nito.
“Iiwan niya na ang mister niya. Magsasama na sila ng anak ko. Pero ang nangyari isang araw ‘di na lang siya nagpakita…†kwento ni Adel.
Dinamdam ito ng anak. Mula nun araw-araw na siya kung maglasing. Mas nabarkada ito hanggang sa nabalitaan niya gumagamit na daw ito ng ‘marijuana’. Mabilis ang naging pagbabago sa ugali ni Jerome. Naging mainitin ang ulo nito at minumura na siya. Madalas rin siyang mapatrobol.
Taong 2011, namatay ang kanyang asawang si ‘Jesus’ dahil sa atake sa puso. Dinamdam rin ito ng anak. Ilang buwan makalipas, napansin na lang ni Adel na madalas maglakad itong si Jerome sa kanilang lugar. Pabalik-balik… na para bang wala sa sarili. “Ikot siya ng ikot… nagsasalita mag-isa,†kwento ng ina.
Binalewala nung una ni Adel ang kakaibang napansin sa anak.
“Akala ko tama lang ng espiritu ng alak kasi ‘pag hindi naman siya lasing nakakausap ko siya tuwid naman ang mga sagot niya,†ayon kay Adel.
Bago matapos ang taong 2011, sinumpong si Jerome, nagwawala at nambabato ito sa loob ng bahay. Nagpatawag ng baranggay si Adel. Walang nakapigil kay Jerome kaya’t dinala siya sa National Center for Mental Health.
Sa ‘observation room’ muna siya pinasok at saka inilagay sa Ward 7. Dalawang linggo makalipas nakalabas siya ng ospital.
Niresetahan ng gamot si Jerome. Isang pampatulog at isang pampakalma.
Bumuti ang kanyang kondisyon at nakapagtrabaho sa isang lumber bilang kargador. Dalawang linggo lang ang tinagal niya dito. Tambay ulit siya.
Ika- 20 ng Hulyo 2013, pinaimon si Jerome ng mga barkada. Bandang 2:00 AM, sinumpong siyang muli at naglalakad hanggang umabot sa barangay hall.
Nung mga panahong iyon, naka-‘charge’ daw ang cellphone ng anak ng isang tanod. Bigla na lang itong nawala at dahil si Jerome lang daw ang naglakad dun siya ang pinagbintangan matapos daw ituro ng isang traysikel boy.
Agad na hinanap si Jerome at dinampot. Diniretso siya sa Prosecutor’s. Office Navotas at ininquest para sa kasong ‘theft’. Unang nakulong si Jerome sa Detention at saka inilipat sa Navotas City Jail. “Bugbog ang inabot ng anak ko sa mga bilanggo dun. Putok ang ulo niya…†kwento ni Adel.
Napilitan siyang ilabas at ipasok muli sa Mental Hospital. “Pinagsisipa niya daw mga kakosa niya… kasi gusto na niya makalabas,†kwento ng ina.
Sa ngayon nasa Branch 54-Metropolitan Trial Court (MTC), Navotas ang kasong ‘Theft’ laban kay Jerome. Kapag may pagdinig nilalabas sa ospital ang anak at binabalik pagkatapos.
Nasa Pavilion 4 ngayon si Jerome. Nanakit daw ang mga kasama nito dun kaya’t katanungan niya maari bang malipat sa ibang ward ang anak.
Itinampok namin si Adel sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi maaring basta palabasin itong si Jerome sa ospital at basta na lang siya iabswelto sa kanyang kaso.
‘Insanity is a defense’, subalit kailangan mapatunayan ito sa pamamagitan ng mga ‘Court appointed doctors’ at ‘social worker’ na magpapatunay na hindi niya alam ang kanyang ginagawa ng kanyang kunin ang cell phone.
Si Adel na mismo ang nagsabi na maayos minsan kausap ang anak. Ibig sabihin meron siyang tinatawag na ‘lucid moments’ (alam niya ang kanyang ginawa). Marahil ito rin ang dahilan kung bakit tinuloy ang pagsampa ng kaso dahil maaring ng kunin niya ang cellphone nasa tama siyang pag-iisip.
Ang maari nilang gawin ay mag ‘Motion to Suspend Proceedings’ sa tulong ng kanilang abogado at sabihin na hindi niya kakayanin ang pasanin ng isang paglilitis (unfit to stand the rigors of a trial). Hayaan munang ‘social worker’ ang kumausap sa kanya at pabutihin muna ang kanyang sitwasyon bago ituloy ang pagdinig sa korte.
Hindi rin maaring ilipat basta ng Pavilion si Jerome dahil siya ay nasa lugar kung saan ang mga kasama niya ay ang mga ‘criminally insane’. Nasa ugali rin na pinapakita ng pasyente kung saang ward siya dapat ilipat. Kung nanakit siya at nagwawala ‘di siya pwedeng ilagay sa ward kung saan possible siyang makasakit.
Matapos sabihin ang lahat ng ito, nais namin bigyang pansing naiintindihan namin na marahas ang batas pero yung ang batas (dura lex sed lex) pero may mga batas ng tao at Diyos na kung maaari kang makagawa ng kabutihan sa iyong kapwa, gawin mo na habang nandito ka pa sa lupa.
Para sa barangay tanod na ito, oo ikaw nga na nagbabasa nito… Gaano ba katigas ang puso mo na ‘di mo kayang mapatawad ang taong ito na ‘di naman niya alam ang kanyang ginagawa nun. Nagdudusa na… alam mong kinukuha pa sa mental para dalhin sa hukuman para lang sa isang cellphone? Magkano ba ang cellphone na iyan? Sulit ba sa nakikita mong kasiyahan na makita ang iyong kapwa na nahihirapan? Sana ‘di mangyari sa’yo ito dahil ang Diyos ay hindi tulog na nagsasabing, hindi atin ang paghihiganti.
Ngayong 2014 ‘di mo ba kayang patawarin ang taong ito dahil sa ang kanyang dinanaranas ngayon, kailangan pa niyang tahakin ang isang bundok ng pagsubok para balikan ang tamang landas para ‘di na siya maging isang baliw.
Bilang lubusang tulong ni-refer namin si Adel kay Atty. Armand Cavalida, ng Public Attorney’s Office, Navotas City. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest