Populasyon sa 2014 aabot na sa 100-M
PAPALO na sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa taong ito. Handa bang tugunan ito ng ating ekonomiya?
Katulad iyan sa isang pamilya. Maliit ang suweldo ni tatay na sapat-sapat para sa pamilyang may limang miyembro. Tapos biglang magiging sampu ang bibig na pakakainin dahil nanganak ng quintuplet si nanay. Mapipilitan si tatay na mag-sideline at mag-overtime para matugunan ang paglaki ng kanyang pamilya. Baka ma-stress si tatay, ma-stroke at mamatay.
Kung hindi naman makakaagapay ang paglago ng ekoÂnomiya sa lumolobong populasyon, marahil kailangang magpatupad ng austerity measures. Hindi lamang gobyerno ang magtitipid kundi kahit ordinaryong mamamayan.
Noong panahon ni President Carlos P. Garcia noong 1958 at siyam na taong gulang lang ako noon, naglunsad siya ng austerity program at ang slogan ay: Austerity today, prosperity tomorrow.†Ngunit ilang dekada na ang nakararaan wala pa ang “prosperity.â€
Sabi naman ng Malacañang, handa ang pamahalaan sa paglobo ng populasyon.
Ani Press Secretary Herminio Coloma Jr., nakapaloob sa Philippine Development Plan ang pagkakaroon ng inclusive growth bilang paghahanda sa inaasahang paglobo ng populasyon. Ani Coloma, dinaragdagan ng gobyerno ang taunang budget para sa social welfare.
Okay ang social services pero higit na importante ay tulu-ngan ang mga Pilipino na maging produktibo o self-sufficient.
Para sa akin, ang social welfare ay pansamantalang pangtawid lamang sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kailangan ay long term solution. Turuan ang bawat mamamayan na manghuli ng isda at huwag lamang bigyan ng libreng isda.
Mahalaga ring masupil hangga’t maaga ang paglobo ng populasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga magulang ng pag-aagwat sa panganganak. Hindi abortion kundi tamang pag-eespasyo ng mga isisilang na bata.
Noong 2012 naipasa na ng Kongreso ang kontroberÂsyal na Responsible Parenthood and Reproductive Health Law subalit kinuwestyon ito ng ilang kritiko sa Korte Suprema hanggang sa magpalabas ng TRO ang High Tribunal sa pagpapatupad nito.
Kaya iyan ang malaking hamon na kinakaharap nga- yon ng ating bansa.
- Latest