TUWING unang linggo ng Enero, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng pagpapakita ng Panginoon (Epiphany). Bagong Taon, bagong buhay! Muli tayong bumangon na may pag-asa. Ayon kay Isaias tayo ay “magliwanag ng tulad ng arawâ€. Ngayon din ang bagong pangako sa Panginoon sapagkat: “Poon, maglilingkod sa’yo tanang bansa nitong mundoâ€.
Ngayon din ang tinatawag nating pagbisita ng mga Mago sa Sanggol na si Hesus sa sabsaban ng mga tupa sa Bethlehem. Ang mga Mago ang tinatawag din nating Tatlong Hari gayong sila ay astrologers. Ang mga sinag ng tala sa kalawakan ay nababasa nila ayon sa kaayusan ng mga planeta at bituin. Sila ang bumabasa sa takbo ng kapanahunan at pagsinag ng mga tala sa kalangitan. Sa kanilang pag-aaral sa takbo ng mga tala, napatunayan na ang kanilang pananaw ay pawang katotohanan. Buhay silang mga saksi sa kanilang pagbisita sa sanggol na si Hesus. doon nila isa-isang inialay ang kanilang mga regalo: Ginto, kamanyang at mira.
Ang ginto ay sagisag ng maringal na pagka-Diyos ng ipinanganak na Sanggol. Ang kamanyang ay simbolo ng pagka-pari ni Hesus sa Bagong Tipan at ang mira naman ay kahulugan ng isang propeta na magpapalaganap ng Kanyang ipinangaral. Ang kanilang pagbisita sa Sanggol ay pagbibigay-puri at pagsamba sa Anak ng Diyos. Ito ang katuparan ng kanilang nabuong plano sa kanilang buhay na sa kabila ng mga pagsubok at panganib ay kanila itong natupad. Pagkatapos ng lahat, bigla silang nawala.
Alam nilang anak ng Diyos ang kanilang binisita. Wala silang hinangad na kapalit sa kanilang mga regalo. Ang mahalaga ay nasamba nila ang Diyos, napuri ang Pari at nabigyang dangal ang isang propeta. Tularan natin ang mga Mago na ang pawang paghahananap kay Hesus ang misyon. Muli nating hanapin ang kapwa at tahimik na ibigay ang ating mga regalo lalo na ang ating pagmamahal, pag-unawa at pagtulong sa mga nangangailangan.
Isaias 60:1-6; Salmo 71; Efeso 3:2-3a, 5-6 at Mateo 2:1-12