^

PSN Opinyon

Wala nang kickback

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG pinaka-magandang balita para sa akin sa pasimula ng 2014 ay ang headline ng mga  diyaryo noong Biyernes (Enero 3) na nagsasabing tinanggal ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Orders (SARO). Ang mga SARO ay kautusan na nanggagaling sa DBM na nagsasabing puwede nang  i-withdraw ng mga kongresista at senador ang mga allotment nila para sa kani-kanilang mga project na umaabot ng milyun-milyon.

Ang mga contractor na may hawak naman ng kanilang mga project ay nag-a-advance naman kaagad-agad ng 30% na kickback kahit hindi pa nasisimulan ang proyekto. Ang turing kasi ng mga politiko sa SARO ay good as cash na. Bagamat na-abolish na ang PDAF,  maraming nagsasabi na may mga maaari pa ring gawaing palusot sa General Appropriations Act of 2014.

Kaya dahil binuwag na ng DBM ang SARO, mukhang tapos na talaga ang mga maliligayang araw ng mga baluktot na kongresista at senador. Magpasalamat tayo sa magiting na kalihim ng DBM na si Butch Abad at siyempre kay P-Noy.

Noon pa, tutol na ako sa pork barrel. Noong 1998, isa sa mga plataporma ko ang pag-abolish ng pork barrel nang tumakbo ako para senador, kasama ko sina Haydee Yorac, Rey Langit, Roberto Sebastian at Zorayda Tama-no, ginang ni yumaong Sen. Mamintal Tamano at ina ni Atty. Adel Tamano, at iba pa. Ang aming presidential candidate noon ay si Rene de Villa at ang vice naman ay si Oscar Orbos. Talo kaming lahat.

Ang nanalong presidente ay si Erap at ang vice ay si Gloria Macapagal Arroyo. Bagamat hindi kami magka-partido, itinalaga ako ni Presidente Erap na Chairman ng National Labor Relations Commission with Cabinet rank. Pero nagbitiw ako noong panahon ni GMA dahil ayaw kong maging bahagi ng kanyang ubod nang corrupt at ilehitimong panguluhan.

 

ADEL TAMANO

BAGAMAT

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HAYDEE YORAC

MAMINTAL TAMANO

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with