Congresswoman, namakyaw ng perlas sa Greenhills

ALAM n’yo bang namakyaw ng perlas sa Greenhills Shopping Center, San Juan City ang isang sikat na congresswoman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Tino Bergonia, Eddie Ong, Jun Castro, Joey Marquez, Danny de Chavez, Armand Aquinde, Mandy Bustamante, Roger Gestiada at Manny Crisostomo

Ayon sa aking bubwit, noong December 24, 2013, bisperas ng Pasko dakong 11:30 a.m. ay nagkagulo ang mga tinderang Muslim nang dumating ang congresswoman sa kanilang tindahan sa Greenhills.

Kasama ni Congresswoman ang kanyang anim na bodyguards na pawang mga naka-barong. ‘Yung tatlong bodyguard ay mga babae kasama na rito ang taga-hawak ng kanyang handbag at ‘yung tatlo naman ay mga matitipunong lalaki.

Si Madam Congresswoman ay naka-wheelchair dahil hirap na pala itong lumakad dahil sa kanyang sakit. 

Ayon sa aking bubwit, ang mga binili ni Congresswoman ay nakaparaming perlas. Ito ‘yung tinatawag na South Sea Pearl. Kahit marami ang kanyang biniling perlas na panregalo sa kanyang mga amiga at constituents, inisa-isa pa rin niyang kinilatis ang mga tinuhog-tuhog na perlas.

Sabi ng mga tinderang Muslim, suki pala nila si Congresswoman. Kung mamakyaw ng mga perlas si Madam ay halos buwan-buwan. 

Ayon sa aking bubwit, dahil suki at mayaman si Congresswoman, hindi na ito tumatawad at ipinauuba­ya na lamang sa kanyang lady bodyguard ang pagba­ba­yad.

Ang congresswoman na namakyaw ng sandamak- mak na perlas sa Greenhills noong bisperas ng Pasko ay si Congresswoman ... dati siyang beauty queen at misis nang yumao ng political leader.

 Siya ay si Congresswoman M. as in Mama Mia.

 

Show comments