SA palagay ko, isang perpektong bansa ang Pilipinas para sa operasyon ng mga sindikato ng droga sa daigdig.
Noong araw, tanging mga Intsik na sindikato lang ang alam nating may operasyon sa Pilipinas. Ngayon naman, ayon na rin sa kumpirmasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pati Mexican drug ring ay nakapasok na sa Pilipinas.
Sa China mismo, napakahigpit ng kampanya kontra droga. Kaya ang mga dayuhan (kasama na ang mga Pilipino) na nahuhulihang may bitbit na bawal na gamot ay mabilis nahahatulan ng bitay. Kahit ang ating gobyerno ay hindi puwedeng mamagitan para maideport man lang sa Pilipinas yung mga kababayan nating nasentensyahan sa droga.
Pero kakatwa na ang mga sindikatong may operasyon sa ating bansa ay mga Intsik na kapag natitiklo ay mabilis din namang nalulusutan ang kaso. Unfair hindi ba? Ang Pinoy na nahuhuling may bitbit na droga sa China ay binibitay pero sa atin, nakakalusot. Iyan yung mga tao na hindi lamang nagbibitbit ng droga kundi may pabrika ng droga mismong sa ating bansa.
Oo nga’t wala tayong parusang bitay pero ang dapat man lang sana ay bulukin sa kulungan ang sino mang dayuhang nadadawit sa droga.
Ngayon, heto na naman ang bagong sindikato na imported from Mexico! Hindi makalulusot ang mga eleÂmentong kriminal sa bansa kung walang awtoridad na nagpapahintulot sa kanila para mapasok ang bansa. Sa ibang salita – corruption ang puno’t dulo ng problemang ito.
Ang bansang Colombia ay nagkaroon ng reputasyon na pinalalakad ng “narco politics.†Pero sa ngayon, nagkaroon ng tagumpay ang bansang ito sa pagsupil sa mga sindikato ng droga dahil sa pinatinding kampanya laban sa corruption.
Kung nakaya ng Colombia ang hakbang na ito, makakaya rin nating gawin iyan dito sa Pilipinas basta’t determinado lang ang administrasyon na puksain ang lahat nang corrupt officials sa bansa.