AKO ay isang Katoliko. Paminsan-minsan, nakakabasa ako ng mga aklat o nakakapakinig ng mga sermon na nagsasabi na ang relihiyon nila ay mas tama kaysa Katolisismo. Bilang abogado, ako ay humahanga sa mga naggagandahang mga paliwanag o argumento ng ilang pastor, ministro, imam, rabbi at marami pang iba hingil sa kagandahan at katamaan ng kanilang relihiyon o sekta. Pero hindi ako nagbibitiw sa aking pagka-Katoliko.
Ang aking paniniwala, ang Diyos lamang ang makapagsasabi sa akin kapag ako ay yumao na at humarap sa KanÂya kung alin ba sa mga relihiyon sa mundo ang talagang tama. Pero naisip ko na dapat maging katanggap-tanggap din naman ang kaluluwa ko sa Kanya. Kaya habang ako ay nabubuhay, ginagawa ko na lamang sa abot ng aking makakaya na maisabuhay ang kautusan ng Panginoon na “Love thy neighbour as you love yourself†at ang sinasabi niya sa Matthew 25:40 na: “Whatever it is that you do to the least of your brothers and sisters, you do it unto God.
Araw-araw, ako at ang aking pamilya at ang staff ng OFW Family Club Party-list sa District Office sa 1986 Taft Ave., Pasay City at sa Rm. 411, South Wing, Kongreso ay umaaksyon sa requests for assistance ng mga OFW o kapamilya. Maaring subaybayan ang mga ginagawa naming ito sa pamamagitan ng pagbisita sa mga sumusunod na websites: https:/www.facebook.com/amba.seneres, https://www.facebook.com/ofwfc,https://www.facebook.com/ofwfamilypl,https://www.facebook.com/groups/ambacampaign.
Maliban sa internet, mayroon din kaming inaaksyunan na text messages, tawag at mga personal requests sa aming mga tanggapan.
As we do it to the least of our brethren every day of our lives, we more importantly do it unto God on a daily basis. Kaya mga kababayan, please do it unto God also every day. Christ be with you!