^

PSN Opinyon

FOI wala pa rin

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni  Senator Grace Poe na ipagdiwang ang Philippine Press Freedom Day tuwing Nobyembre 23 ng bawat taon.

Inihain ni Poe ang kanyang panukalang Senate 2044 para umano magkaroon ng counterpart ang pagdiriwang tuwing Mayo 3 ng World Press Freedom Day. Nabuo ang World Press Freedom day sa rekomendasyon ng General Conference ng UNESCO noong 1991. Gayunman, nalulungkot si Poe dahil mukhang walang kahulugan ito sa mga Pilipino.

Sa tingin ko naman, pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kalayaang magpahayag. Kaso nga lang, ang mga makapangyarihan sa gobyerno ang hindi rumerespeto rito.

Okay ang panukala ni Poe para ipaalala sa lahat, lalu na sa mga kapangyarihang nakaluklok sa pamahalaan ang halaga ng kalayaan sa pamamahayag na mahala-gang sangkap ng demokrasya. Pero kung ito’y pahaha-lagahan ay isang bagay na duda ako kung mangyayari.

Madaling mapagtibay ang ganyang panukala. Isa lang naman itong araw ng paggunita. Pero mas importanteng mapagtibay ang batas na magbibigay ng sandata sa taumbayan para masilip at mabusisi ang mga nangyayari sa pamahalaan na siya namang diwa ng Freedom of Information (FOI) bill. Ngunit matatapos na lang ang termino ng Presidente Aquino ay wala pa ring liwanag kung mapagtitibay pa.

Ito pa naman ay isa sa kanyang mga ipinangakong agenda nang nangangampanya pa siya para sa panguluhan. Palagay ko kung mayroong FOI law, hindi mangyayari ang malalaking eskandalo ng katiwalian tulad ng P10 bilyon pork barrel scam.

Heto pa ang hindi makakalimutan kailanman ng ba-   yan:  Ang nangyari noong  Nobyembre 23, 2009 na  naitala sa Philippine press history na pinakakarumaldumal na pagpaslang sa 57 katao kabilang ang 37 na mamamahayag sa Maguindanao.

  Naniniwala si Poe na kung idedeklara ang nasabing araw bilang Philippine Press Freedom Day, hindi makakalimutan ng lahat ang nasabing pangyayari at magpapaalala  ito kung gaano kahalaga ang ginagampanang papel ng media sa lipunan.

 

FREEDOM OF INFORMATION

GENERAL CONFERENCE

NOBYEMBRE

PERO

PHILIPPINE PRESS FREEDOM DAY

PILIPINO

PRESIDENTE AQUINO

SENATOR GRACE POE

WORLD PRESS FREEDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with