‘Pasko na!’
MALALAKAS na hampas ng hanging nagpatumba maging sa puno ng Niyog. Langitngit na tila umuungol na nagpabasag ng mga bintana ng malalaking gusali at nagpabakbak ng makikinis na pader.
Ilang oras lang ang lumipas halos nagiba na lahat ng kabahayan. Mga bangkay na nagkalat sa daan na ang tumambad kinabukasan.
Ilang lang ito sa mga tagpo na naranasan ng residenteng napinÂsala ng bagyong Yolanda nung Nobyembre 8, 2013. Hanggang sa kasalukuyan ramdam pa rin ng mga kababayan sa Tacloban, Leyte at Eastern Samar ang hagupit ng Daluyong na ito.
Ngayong araw ng Pasko, hangad namin dito sa “CALVENTO FILES†na mapagaan ang mga napagdaanan ng ating mga kababayan. Hiling namin na patuloy kayong maging positibo sa kabila ng ating naranasan.
Ang “CALVENTO FILES†sa radyo ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ. Umiere Lunes-Biyernes 3:00-4:00 ng hapon at Sabado 11:00-12:00NN ay patuloy na magbibigay sa inyo ng tulong para sa mga biktima ng krimen at may ‘legal problems’.
Nais namin kunin ang pagkakataon na ito na magpasalamat pagtitiwala niyo sa CALVENTO FILES.
Gaya ng lagi naming sinasabi ang “Hustisya ay hindi lamang sa mga mayaman at makapangyarihan. Ang hustisya ay para sa lahat.â€
Nagpapasalamat din kami sa mga abogadong kasama namin sa pagtulong sa ating mga kababayang sa kanilang problemang legal. Ang Public Attorney’s Office (PAO), kay Chief Persida Rueda-Acosta, Hepe ng PAO at iba’t bang District Public Attorneys at kanilang miyembro, hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.
Sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) kina Atty. Alice Vidal, Atty. Mariz Manalo, Atty. Jo Cabrera, Atty. Pearl Cabrera, Atty. Cherry Dela Cruz, at lalong lalo na kay Prosec. Romeo Galvez na mula noon hanggang ngayon ang kanyang mga payong ligal ay talaga namang nakakatulong sa mga taong lumalapit sa amin.
Sa ating mga bagong Bayani… OFW’S na nagkakaroon ng problema sa labas ng bansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamumuno ni Usec. Rafael Seguis at iba pa nating Ambassadors, Consul Generals, Consuls at mga kawani ng ahensayang ang walang sawang dumidinig sa kanilang mga hinaing nais din namin silang pasalamatan.
Katuwang ng DFA ang mga inatasang ambassadors ng Embahada ng Pilipinas para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Kay Asec. Wilfredo “Fred†Santos ng Office of Consular Affairs-DFA sa kanyang pagtulong pagdating usapin ng pasaporte.
Sa mga empleyadong nagrereklamo sa kanilang mga amo ang National Labor and Relations Commission (NLRC) sa pamumuno ni Chairman George Nograles at nang kanyang mga ‘commissioners’ at kanilang Exec. Asst. Danny Pambuan ang tumutulong sa kanila.
Pagdating naman sa problema sa inyong mga SSS, si Ms. Mae Rose Francisco ang head ng Media Affairs Department-SSS Main Office, Quezon City at Ms. Lilibeth Suralbo, communication analyst ang patuloy na tumutulong sa ating mga ‘Pinoy Workers’.
Sa pagdakip ng mga tinutugis ng batas, nais namin pasalamanata ang NBI, CIDG at PNP.
Pagdating naman sa mga may problemang sibil…tungkol sa usaping lupa, agawan, partihan at titulo ang Land Registration Authority (LRA) sa tulong ni Atty. Eulalio Diaz III, Administrator at ang kanyang Exec. Asst. Aileen Coritana, pati na rin ang kanilang ‘legal department’ ang gabay ninyo.
Nagpapasalamat din kami sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) naman sina Atty. Jose “Joy†Ferdinand Rojas II.
Sa mga tumatangkilik ng ating pitak sa diaryo, ang ‘CALVENTO FILES’ sa PSNGAYON (PSN) – Lunes,Miyerkules, Biyernes. PANGMASA (PM)—Martes, Huwebes at Sabado dahil sa inyo aming pinag-iibayo at mas lalong pinaiigting ang pakikibaka para sa mga taong naaagrabiyado.
Sa mga complainants na walang sawang nagtitiwala sa amin. Maraming salamat po! Sa ating mga tagapakinig sa radyo ang U-Stream, lalo na sa Gitnang Silangan, isang pagbati ng MALIGAYANG PASKO mula sa lahat ng bumuo ng CALVENTO FILES!
Narito pa rin kami…para ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa na aming nasimulan mula ng ako’y magsimula sa ‘Hotline sa 13’, sa Channel 13, napunta sa Tony Calvento sa TV, sa Channel 5 kasama si Tina Monzon Palma at ang “CALVENTO FILES†sa Channel 2. Maging sa mga tabloids kung saan lumabas ang CALVENTO FILES nung taong 1990. Samahan niyo pa rin kami sa “CALVENTO FILES†sa radyo, ang “HUSTISYA PARA SA LAHATâ€.
Patuloy ang paglaki ng aming pamilya dahil tatlong taon na ring umiire ang dalawa pa naming programa dito rin sa DWIZ 882 KHZ. Ang “PUSONG PINOYâ€, programa sa radyo ng PCSO. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas “Atty. Joy†with Monique Cristobal. Handang tumulong para sa inyong mga problemang medikal. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado, 7:00-8:00AM.
Para naman sa ating ‘spiritual healing’ ang programang “PARI KO†tuwing Linggo mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jayson Laguerta, Rev. Lucky Acuna at Atty. Joy Rojas.
Ang Pasko ay araw ng ating Panginoong Diyos. Dahil Diyos ay pag-ibig, ito ay araw din para ipakita natin sa ating mga mahal sa buhay at sa iba pang mga tao na nasa ating paligid kung ano ang tunay na diwa ng pag-ibig sa kapwa. Nawa’y kayo ay magkaroon ng isang “Maligayang Pasko!â€
At para sa aking huling pananalita, nais kong pasalamatan ang aking tatlong mga anghel na sina Carla Calwit, Chen Sarigumba at higit sa lahat si Monique Cristobal. Ilang taon na rin silang nagpapamalas ng kanilang pagiging matulungin at mapagbigay sa mga taong pumupunta sa aming tanggapan at talaga naman hinahabaan nila ang kanilang pasensya sa kanilang pagbibigay ng ‘public service’ sa ating kapwa.
SA mga taong gusto niyong batiin ngayong ‘Holiday Season’, magtext lang sa mga numerong 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 / 7104038. Ang aming address: 5th flr City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest