BINABALAAN ang publiko na huwag maniniwala at papatol sa mga nagpapanggap at nagso-solicit gamit ang pangalang BITAG at mismong pangalan ko, BEN TULFO.
Hindi na bago sa amin ang ganitong uring modus. Subalit, pagpasok pa lang ng “ber†months at hanggang sa kasalukuyan, lalo pang naging garapalan ang mga putok sa buhong nasa likod nito.
Ilang linggo bago ang Pasko, pinutakte ng tawag at text ang BITAG hotline mula mga kilalang perso-nalidad, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, malalaking kompanya at maging ang ilang mga pribadong tanggapan.
Lahat humihingi ng kumpirmasyon hinggil sa mga naglilibot at nagso-solicit ng regalo at pera.
Isang paglilinaw lang, walang Christmas party o anumang pagdiriwang ngayong Pasko ang BITAG. Sa halip, ang nakalaang pondo, ibibigay nalang sa Yolanda survivors at charity foundations.
Isa pa sa mga estilo ng mga nagpapanggap na taga-BITAG ang pagtawag sa mga ahensya ng gobyerno para magpa-set ng meeting appointment o di naman kaya face-to-face interview.
Malamang narinig nila ang programa ko sa BITAG SA RADYO kung saan mayroong mga phone-patch interview tungkol sa mga maiinit at napapanahong isyu.
Dahil kilalang matapang at nanghahambalos sa ere ang programa, ginamit nila ito sa sarili nilang kapakinabangan at kapararakan.
Hindi ako nakikipagkita sa labas para lamang sa meeting at face-to-face interview hinggil sa mga isyung lokal at nasyunal.
Higit sa lahat, hindi ugali ng BITAG ang humingi ng pera kung kani-kanino sa pamamagitan ng mga sulat, tawag, text o imbitasyon.
All Points Bulletin sa Luzon, Visayas at Mindanao, sakali mang may masumpungan kayong kumakatok sa inyong mga tanggapan at nagpapakilalang taga-BITAG, suplahin na ninyo agad.
Ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad ang kanilang aktibidades sa inyong lugar at kayo na mismo ang magkasa ng entrapment operations.
Kapag nahuli na ang mga putok sa buhong ‘yan, saka kayo tumawag sa aming tanggapan at ako mismo, si BEN TULFO ang haharap.
Ako na rin ang personal na magbibigay sa kanila ng “aginaldo†at “regalong†hindi nila malilimutan sa buong buhay nila. Tingnan natin kung hindi pa sila madala at pagsisihan kung bakit pa sila isinilang sa mundong ibabaw.
Pag-uulit at paglilinaw lang, walang anumang solicitation letter o imbitasyon na ipinakakalat angBITAG at wala ring dahilan para kami’y magkubra ng pera ngayong kapaskuhan.