Congresswoman, hindi gumaling ang sakit dahil sa dami ng doktor

ALAM n’yo bang hindi gumaling-galing ang sakit ng isang mayamang congresswoman?

 Ayon sa aking bubwit, happy birthday kay Congressman Manny Pacquiao, Stephanie Ferrer, Janine Buduan, Bro. Van Luspo, Supt. Froilan Navarroza at Florian Flores ng Las Piñas City.

Alam n’yo bang hindi pa  gumagaling ang sakit ng isang mayamang congresswoman kahit marami siyang doktor?

Ayon sa aking bubwit, magaling ang personal doctor ni Congresswoman subalit nahihirapan ito sa kanyang kalagayan? 

Ang doktor na ito ay hindi na matatawaran ang galing kaya siya rin ang doktor ng ilang dating presidente katulad ni former president Gloria Macapagal-Arroyo at dating President Fidel Valdez Ramos. Siya ay resident doctor sa Makati Medical Center.

Bagamat super yaman ang pasyenteng congresswoman, siya ay tinanggihan na ng kanyang doktor dahil sa dami ng nakikialam.

Dahil gusto rin ng mga mayayamang anak ni Congresswoman na gumaling siya kaagad, sila ay kumuha ng kani-kanilang doktor.

Ang anak ni Congresswoman na isang senador ay nagpadala ng kanyang personal doctor upang siya ay gamutin. 

Yung isang anak na governor ay nagpadala rin ng kanyang personal doctor para tingnan ang kanilang ina. At maging ang kanilang bunso na misis naman ng mayamang negosyante ay ipinadala rin ang kanilang doktor.

Dahil sa dami ng mga doktor na tumingin kay Congresswoman, sila ay meron kanya-kanyang opinyon at gamot. Ayun, hindi rin malaman ngayon kung sino sa kanila ang susundin.

Ang malungkot dito, nagtampo na ang doktor ni Congresswoman kaya bumitaw na siya at ipinaubaya na lang sa mga doktor ng kanyang mga anak.

Masama rin pala ang maraming doktor, he-he-he.

Ayon sa aking  bubwit, ang congresswoman na hindi pa rin  gumaling-galing  ang sakit ay si…
Siya ay taga-Visayas subalit kongresista ngayon sa Northern Luzon. Siya ay si Congresswoman I. as in Ilokanang Bisaya.

Show comments