^

PSN Opinyon

Maganda ang hinaharap ng mga magsasaka

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG maganda ang pasok ng taon para dito sa ating mga magsasaka sa Pangasinan, Ilocos Region at Cagayan Valley bunga sa pangako ng Mighty Corporation, isang tobacco industry player, na bibili sila ng madaming tobacco leaves sa 2014. Ayon kay Ernesto Calindas, presidente ng National Federation of Tobacco Growers and Cooperatives Inc. ang plano ng Mighty Corp. ay magdudulot ng pagtaas ng presyo ng kanilang produkto bunga sa me kumpetensiya na ang Philippine Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC). Mula ng magsanib ang dalawang higanteng kumpanya ng tabako, ang presyo ng tobacco leaves ay nanatili sa P45 kada kilo kung low-grade ito at P80 naman ang high-grade. Siyempre, walang magawa ang mga tobacco farmers kundi sa PMFTC ibenta ang kanilang produkto dahil hindi naman puwedeng ibenta ng tingi ito.

Kaya’t sa pahayag ni Oscar Barrientos, Executive Vice President ng Mighty Corp. nabuhayan ng loob ang mga tobacco farmers dahil me pagpilian na sila kung saan nila ibenta ang produkto nila.

Matapos ang merger ng PMFTC noong isang taon, ang grupo ni Calindas ay hindi makaiwas sa presyo nila sa Virginia at burley tobacco nilang produkto. Ang siste tuloy,  kung ano ang presyo ng PMFTC ay hindi na sila makailag. Kaya’t hindi na nadagdagan pa ang kita ng ating mga tobacco farmers sa Pangasinan, Ilocos Region at Cagayan Valley. “It is high time true competition can now happen in the tobacco industry with prices being dictated in the past by a monopoly imposed by the merger of the two giants in domestic cigarette manufacturing,” ani Calindas. Subalit sa ngayon na me kumpetisyon na ang PMFTC, aba puede ng mamili ang mga magsasaka natin at siyempre ang hahabulin nila ay yaong me mataas na presyo. At ang maganda pa sa alok ni Barrientos, ay bibilhin nila ang produkto ng magsasaka natin kahit low-grade pa ang mga ito.

Kung sabagay, natutok ang atensiyon ng sambayanan dito sa Mighty Corp. kamakailan ng ipasailalim iton sa isang congressional probe bunga sa bigla nitong pag-akyat bilang isang agresibong player sa tobacco industry. Maaring ang imbestigasyon ay dulot ng pagkain ng Mighty Corp. ng market ng tobacco industry, anang mga suki ko. Magmula sa limang porsiyento, aba halos 20 porsiyento na sa tobacco market ang nakupo ng Mighty Corp.  halos isang taon maging batas itong tobacco sin tax noong 2013.

Sinabi naman ng opisyales ng kumpanya na umangat ang produkto nila bunga sa katamtaman na presyo, magandang kalidad, at maayos na pag-package ng kanilang sigarilyo. Teka nga pala, itong Mighty Corp. ay pag-aari ng isang Filipino. Abangan!

CAGAYAN VALLEY

ERNESTO CALINDAS

EXECUTIVE VICE PRESIDENT

ILOCOS REGION

KAYA

MIGHTY

MIGHTY CORP

MIGHTY CORPORATION

TOBACCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with