Hindi ‘yan numero na tatayaan sa Lotto.
‘Yan ang speed limit na pinapairal dito sa Davao City simula nang nilagdaan ni Mayor Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 39 Series of 2013 noong October 29.
Ang sinasaad sa nasabing EO ay 30 kilometers per hour ang speed limit sa main thoroughfares ng Davao City at 40kph naman sa malalapit sa downtown at 60kph sa mga barangay na may kalayuan na.
Ang mas mabagal na speed limit ay bunsod na rin sa mga panibagong mga nangyayari sa daan kung ikumpara noong naging batas ang Republic Act No. 4136 noong June 24, 1964.
May higit 300 speed violators na rin ang naaresto pagkatapos na sinimulang gamitin nitong weekend ang speed guns.
Napilitan si Duterte na ibaba ang speed limit sa 30kph sa downtown dahil na rin sa mga abusadong drivers lalo na pag madaling araw na kung saan nangyayari ang mga banggaan dahil nga sa sobrang paghaharurot nila sa daan.
At partikular na mainit ang ulo ni Duterte sa mga driver ng mga uso-uso jeepneys na may mga malalaking makina at nakakabinging sounds na parating nadidisgrasya.
Di na mabilang ang mga namatay at malubhang naÂsugatan sa tuwing nadidisgrasya sa daan itong mga usu-uso jeepneys na kung saan ang mga drivers nito na akala nila’y hari sila at walang respeto sa ibang bumibiyahe.
Ang pagbaba ng speed limit ang nakitang paraan ni Duterte na maiwasan ang mga disgrasya sa daan.
Maraming nagrereklamo lalo na sa 30kph dahil napakabagal daw.
`Ngunit hindi natitinag si Duterte sa mga reklamo dahil ang tingin niya ay maraming buhay ang maiwasang makalas dahil lang sa mga abusadong drivers.
- Latest