^

PSN Opinyon

Pangako ni Roxas

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NABUHAYAN ang pag-asa ang mga Capizenos nang ipahayag ni DILG secretary Mar Roxas na may nakalaang tulong ang pamahalaang Aquino sa mga sinalanta ni Yolanda. Ayon kay Roxas nagpakalat na siya ng mga espiya este, mga evaluation team upang personal na maitala ang mga sinalanta ni Yolanda. Ngunit hindi pera ang mapapasakamay ng mga apektado kundi mga materyales o livelihood. Ang lahat ng mga nasirang tahanan ay isusumite kay DSWD secretary Dinky Soliman na siyang mag-eevaluate at isusumite naman kay DPWH secretary Babes Singson upang maibigay ang pondo na ibibili ng mga materyales at pangkabuhayan.

Napangiting-kabayo ang mga kababayan ko sa magandang talumpati ni Roxas dahil kahit paaano’y naramdaman nila ang dugong Capiznon ni Roxas. Sa-yang naman kasi ang Roxas City na seafood capital ng bansa ang mahuhuli sa biyayang galing sa pamahalaang Aquino at sa mga Internation Relief Organization kung hindi ito maisusulong ni Roxas. Ngunit kailan kaya ito maipatutupad ni Roxas para sa kanyang mga kababayan? Kasi nga sa kasalukuyan walang patid ang laburdahe ng mga Canadian humanitarian group sa pagdadala ng relief goods at pagbibigay ng suporta sa mga kababayan kong sinalanta ni Yolanda. 

Habang ang grupo ni Roxas at mga ahensya ng pa­mahalaang Aquino ay mistulang pagong sa pag-usad o pagsulong ng tunay pagkalinga sa mga nilumpo ni Yo­landa. Kaya sa sobrang bagal ng pagkilos ng pamahalaang Aquino na maibangon ang mga Capiznon, Akla­non, Antiquenon at Iloilo, samu’t saring bali-balita ang ikinagigimbal ng mga residente ng Panay Island. Katulad na lamang noong nakaraang Linggo December 1, halos magkandarapa ang lahat ng residente ng Iloilo at Capiz sa balitang ipinakalat sa pamamagitan ng text message na may paparating na Tsunami. Kaya ang mga kaawa-awa kong kababayan ay namundok ng magdamag bitbit ang kanilang mga gamit. Dala ng trauma sa bagyong Yolanda kaya madaling mapaniwala ng mga kababayan ko.

Ang masakit, nagpista ang mga magnanakaw sa bayan ng Lutodltod at ilang kabayanan matapos abandonahin ng mga residente ang kanilang mga kabahayan. Iyan ang isa pang dapat tutukan ni Roxas kung sino ang may kagagawan. At ang pinaka-mahalaga na dapat gawin ni Roxas sa kanyang mga kababayan ay ang pagtupad sa binitiwan niyang pangako para lubusang mabura sa isipan ng mga taga Panay Island ang sindak na iniwan ni Yolanda. Abangan natin kung sincere si Roxas sa kanyang mga kababayan.

vuukle comment

AQUINO

BABES SINGSON

CAPIZNON

DINKY SOLIMAN

ILOILO

PANAY ISLAND

ROXAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with