Pagbayarin ng tax si Pacman

Hindi ako sang-ayon sa panukala ng isang mambabatas sa Valenzuela City na i-exempt si Manny Pacquiao ng tax habambuhay. Ano ba itong mambabatas na ito at hindi yata nag-iisip? Nakikisawsaw lang sa isyu. Nang hinahabol ng BIR si Pacman ay agad siyang naka-rescue at i-eexempt pa ang people’s champ sa pagbabayad ng buwis. Porke raw nakapagbigay ng karangalan sa bansa si Pacman kaya dapat itong ilibre na sa tax. Sa araw daw ng laban ni Pacman ay walang trapik at krimen. Marami raw pinasaya si Pacman. Sus Ginoo, napakababaw na dahilan. Sa halip na hikayatin na magbayad ng tax ay ginagatungan pa.

Kung ililibre si Pacman, ilibre na rin ang iba pang boksi-ngero at athlete na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Ang kinita ay dapat lamang buwisan. Alam naman ng taumbayan kung gaano kalaki ang kinita ni Pacman sa bawat laban. Ipinagyayabang pa nga ang magagarang kotse, bahay at helicopter.

--Joseph Matining, J.P.Rizal, Makati City, jomatining@yahoo.com

 

Show comments