^

PSN Opinyon

Tulong sa ‘Yolanda’ umaapaw pa rin!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG naluklok na bilang rehabilitation czar si da-ting Sen. Ping Lacson, umaasa ang lahat sa mabilis na pagbabangon ng Central Visayas na winasak ng bagyo.

Ilang linggo na rin ang nagdaan sapul nang manalasa ang bagyong Yolanda, isang masaklap na sakuna ng kalikasan na kumitil sa libu-libong buhay at nagwasak sa bilyong pisong kabuhayan at ari-arian. Pinaka-grabe at mapaminsalang bagyo ito na naitala sa kasaysayan sa loob ng ilang daan-taon.

Muling ipinakita ng sambayanang Pilipino ang kahandaan ng bawat mamamayan na tumulong at makiramay sa mga kapuspalad na biktima. Hindi lang mga Pinoy ang tumutulong kundi pati mga dayuhang pamahalaan at mga pribadong samahan. Ipinakita rin ng mga samahang pangkawang-gawa ang kanilang serbisyo sa ganitong mga pagkakataon. Malaking pondo palibhasa ang kakailanganin para maibangon ang sinalantang mga lalawigan. Ang mahigit sa P40 bilyong pondo na nasa disposisyon ni Ping Lacson ay posibleng kulangin sa lawak ng pinsala ng bagyo.

Kung magtutulung-tulong ang lahat, maaaring pabilisin ang gawaing rehabilitasyon. Umapela si Philippine Charity Sweepstakes Office Chair Margie Juico sa mga  dealers nito sa buong bansa na tumulong sa mga biktima ng kalamidad dahil hindi lang naman mga taga-Visayas ang makikinabang kundi ang buong Pilipinas. Sa susunod na mga araw, inaasahang PCSO ang tututok sa pagkakaloob ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Sa ginanap na dealers Day ng PCSO noong Disyem­ bre 6, hinimok nina Juico at ni PCSO Gen. Manager Ferdinand Rojas II ang may 20 dealers na patuloy na tumulong sa mga Yolanda victims. Nangako ang mga dealers nang lubusang suporta sa ikatatagumpay ng bagong number game ng PCSO na “Bingo Milyunaryo” na inaasahang magpapasok ng karagdagang pondo sa PCSO para sa mga gawaing pangkawang-gawa nito.

Ito rin ang panawagan ni Benedicto Bulatao, pangulo at CEO ng Comnet Management Corporation  na siyang service provider ng bagong laro para sa PCSO.

So far, sa ilalim ng administrasyon ni P-Noy ay wala tayong narinig na anomalyang iniuugnay ang PCSO. May tiwala rin ako kay Chair Juico dahil personal ko siyang kilala at  alam kong isa siyang marangal at mapagkakatiwalaang tao. Keep it up Marge!

 

           

 

         

vuukle comment

BENEDICTO BULATAO

BINGO MILYUNARYO

CENTRAL VISAYAS

CHAIR JUICO

COMNET MANAGEMENT CORPORATION

MANAGER FERDINAND ROJAS

PCSO

PING LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with