^

PSN Opinyon

Lansangan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANGKARANIWANG tanawin na partikular sa Metro Manila ang mga agawan ng linya, singitan, nagkakarerang sasakyan sa maliliit na espasyo ng kalsada at nag-uunahang nguso ng sasakyan sa mga intersection point.

Kung ikaw ay dayuhan na galing sa maunlad na bansa at makikita ang ganitong “takbo” ng lansangan, maninibago ka sa kawalang sistema at kaayusan.

Hindi pa dito kasama ang  mga masasamang elemento na nagkalat tulad ng mga kriminal na tumitira at nambibiktima ng kanilang matitipuhan.

Naniniwala ang BITAG na ang lansangan ang salamin kung anong klaseng pamahalaan mayroon ang isang bansa at kung anong kultura mayroon ang mga tao.

Sumatutal, lansangan ang salamin ng korupsyon, ito man ay sa hanay ng pamahalaan o sa mga taong nag­papatupad ng mga sistema at batas.

Sa pinakahuling datus na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority, naitala ang pinakamataas na bilang ng aksidente noong Disyembre ng nakaraang taon. 

Hindi malinaw sa kanilang estatistika ang mga dahilan at sanhi ng problema o aksidente. 

Nitong nakaraang linggo, habang nagpo-programa ako sa BITAG sa Radyo, nakatawag sa aking pansin ang iba’t ibang reklamo at sumbong ng publiko hinggil sa mga sisiga-siga, walang disiplina at balasubas sa lansangan.

Hindi katanggi-tanggi na marami sa mga nagmamaneho, bastos, halang ang bituka at walang pakialam kesahodang makabangga, makasagasa at makapatay ng mga tumatawid o pedestrian.

Ang tanging mahalaga, makarating sila sa kanilang pupuntahan o di naman kaya kumita sa pamamasada araw-araw.

 Para bagang ang pagmamaneho para sa kanila ay isang karapatan at maaari na nilang gawin at manipulahin ang lansangan alinsunod sa kanilang kagustuhan.

 Iminumungkahi ng mga nagrereklamong texter na kumpiskahin at kanselahin ng mga awtoridad ang lisensya ng mga “ipis” at “olopong” sa kalsada.

 Sakali mang maipatupad ang kanselasyon ng lisensya ng mga drayber na walang disiplina, tiyak lilinis ang “tanawin” at otsenta porsyentong mga sasakyan mawawala sa lansangan.

 Ang kasalukuyang “sistema” at “kulturang” ito ay patunay lamang na hindi organisado ang gobyerno partikular ang mga ahensyang tumututok at may huridiksyon sa batas-trapiko. 

Malayo pa ang tatahakin ng Pilipinas sa totoong pagbabago at pag-unlad.

vuukle comment

DISYEMBRE

IMINUMUNGKAHI

LANSANGAN

MALAYO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANINIWALA

NITONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with