^

PSN Opinyon

Magplano nang maayos, o habaan ang pasensya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT na talaga ang Pasko, dahil bukod sa lumalamig na simoy ng hangin, pasama nang pasama na ang trapik sa Metro Manila. Wala nang pinipiling oras ang trapik. Kung dati ay alam kung kailan maluwag ang mga kalsada, tulad ng tanghalian o ilang oras lampas ng alas dose ng tanghali, ngayon ay trapik na sa lahat ng oras, maging sa gabi. Sa totoo nga, higit pa sa gabi dahil ito ang oras na puwedeng pumunta ng mga mall ang mga galing opisina, at pauwi naman ang iba.

At dahil sa sumasamang trapik, kumilos na ang MMDA para ipatupad ang ilang patakaran para sa panahong ito. Pinahaba ang oras ng truck ban sa ilang panguna-hing kalsada. Ipinagbawal na muna ang paghukay at pagsasaayos ng mga kalsada. Ipinahinto na muna ang pagkakaroon ng mga “fun run” kung saan kadalasan ay isinasara ang kalsada. At bumalik muli ang mga tinatawag na “Christmas lanes”, mga alternatibong daan patungong Makati mula Quezon City.

Maganda sana ang idea ng “Christmas lanes”, kung ang mga kalsadang ito, na hindi naman malalapad, ay hindi papayagang gawing paradahan ng mga sasakyan. Kung madadagdagan ang daloy ng mga sasakyan sa mga kalsadang ito, dapat mapakinabangan nang husto ang buong lapad ng kalsada. Kapag may nakaparadang sasakyan, isang hanay kaagad ang nawawala, kaya trapik na naman ang resulta. Kung masisipag ang mga tow-truck na bumaybay ng EDSA para hilahin ang mga tumirik na sasakyan, dapat bigyan na rin sila ng otoridad ng MMDA para hilahin ang mga bawal na nakaparadang sasakyan sa kalsada.

Hindi nadadagdagan ang ating mga kalsada, parami nang parami naman ang mga sasakyan. Kaya normal na sasama ang trapik, hanggang sa hindi na gumalaw ito. Naiintindihan ko ang sakit ng ulo ng MMDA pagdating sa problemang ito. Ang disiplina sa kalsada at sa paggamit ng sasakyan ay wala talaga sa ating kultura. Hindi rin nakakatulong na lahat na yata ng klaseng sasakyang may gulong ay pinapayagang bumaybay sa lahat ng kalsada, kahit bawal. Mga tricycle, kuliglig, motorsiklong hindi sumusunod sa mga batas dahil “maliit” lang naman sila, mga hanggang ngayon ay utak wangwang pa rin kahit hindi na maingay, lahat na. At ngayon, lahat gusto nang mag-shopping. Matuto na lang tayong magplano nang maayos na biyahe, o habaan pa nang husto ang ating pasensya, dahil Pasko na.

 

vuukle comment

IPINAGBAWAL

KALSADA

METRO MANILA

NANG

PASKO

QUEZON CITY

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with