H7N9 virus
NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang DOH na huwag pangambahan ang H7N9 virus, o isa na namang uri ng “bird fluâ€. Isang Indonesian worker sa Hong Kong ang kumpirmadong nagkasakit dahil sa virus. Kritikal ang Indonesian. Nanggaling ang Indonesian sa China kung saan kumain ng manok doon bago bumalik ng Hong Kong. Hinanap na rin ang mga nagtrabaho malapit sa kanya para masuri kung nahawa o hindi. Sa ngayon, wala pang balita kung may nahawa. Kaya nag-aalala na naman ang lahat hinggil sa sakit na ito.
Ayon sa DOH, hindi dapat matakot ang bansa dahil wala pang kasong nadidiskubre sa labas ng China, at wala ring ebidensiya na naghahawaan ang mga taong may sakit na. Pero ganun pa man, binabantayan na ang lahat ng paliparan para sa lahat ng dumadating na pasahero kung may lagnat o wala. Noong 2003, kumalat nang husto ang SARS sa Hong Kong, kaya ang bagong “bird flu†na virus na ito ay hindi nila minamaliit. Libo-libong mga ibon tulad ng manok, pato at gansa ang pinatay sa Hong Kong para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa panahon ngayon, ang virus ang pinaka-delikadong kalaban ng tao. Una, ay dahil walang gamot para sa virus kapag nagkasakit na. May ilan-ilan pero napakamahal at hindi direktang nagpapagaling kundi binabago lamang ang takbo ng sakit. May ilang bakuna para sa mga virus, pero hindi lahat. Tulad ng dengue na limang klaseng virus na pala ang sanhi nito. Magastos, at hindi pa nakatitiyak na tatanggapin ng katawan ang bakuna.
Sana nga hindi tumawid ng dagat ang H7N9 virus. Sana hindi rin kumalat sa Hong Kong tulad ng SARS noong 2003. Kapag kumalat, apektado na naman ang ekonomiya nila dahil sa mga papataying ibon, at dahil matatakot lamang ang tao magtungo roon. At tandaan, marami tayong kababayan sa Hong Kong, na hindi naman basta-basta makaaalis.
- Latest